STBFL: Chapter 5

138K 3K 559
                                    







STBFL: Chapter 5

Vanalein's P.O.V


Pulang pula siyang humarap saakin at kunot noo niya akong sinagot.

"No! Damn you Vanalein! Pahirap ka!" Punong puno ng iritasyon ang boses niya. "Ang kapal ng mukha mo Andres! Napaka bastos mo!" Sigaw ko sakanya.

"Ako pa?! Ako pa ngayon Vanalein?! Ikaw itong.. Aish." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil halos umusok na siya sa kahihiyan, maging ako hiyang hiya na ako sakanya!

Nagmartsa siya paakyat at dinig na dinig ko ang malakas na pagtalpak niya ng pinto ng kwarto niya!


Napatingin ako sa kamay ko, shocks! Ano ba yung nahawakan ko? My virgin hands! Gosh, nadevirginized ang virgin hands ko! I hate you Andres!

Mabilis akong tumakbo papunta sa kitchen at hinugasan kong mabuti ang kamay ko, mangiyak ngiyak pa ako dahil sa pangyayari! Grabe Vana, ang dami mong mahahawakan bakit yon pa?!

Gosh, mag-aapat na araw palang kaming magkasama ni Andres sa bahay na ito kung ano ano ng nangyayari. Hindi maaarin ito, kailangan ko na talaga siyang iwasan! Pero paano? Bahay niya nga pala itong tinitirahan ko ngayon?!


Kinabukasan tahimik kaming kumakain ng breakfast, pareho kaming nagkakailangan at hindi makatingin sa isa't isa. Papasok siya ngayon dahil naka three piece suit siya, sobrang pormal lang talaga nitong si Andres, kung pag mamasdan mo siyang mabuti halatang mayaman siya pero ang totoo ay kuripot siya.

Siya ang nagluto ng breakfast namin, simpleng menudo at kanin lang naman pero napaka sarap sa panlasa ko. Natigilan ako sa pagsubo nang mag vibrate ang phone ko sa ibabaw ng mesa, isang text message.

From: Jhomarie

Friend, Christmas party later! See you!

Bumuntong hininga ako at napakagat ako sa ibabang labi ko, paano na ito? Wala akong pera, e-eighty pesos ang laman ng wallet ko, yun pa yung sukli saakin ng taxi driver nung bumalik ako dito sa bahay ni Andres, sandali ko siyang pinasadahan ng tingin, bahala na pero nangangailangan ako ng pera ngayon, tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Ah.. Andres, C-christmas party kasi namin ngayon, kailangan ko ng pera." Bulong ko, nagtaas siya ng tingin saakin at halos mapalundag ako dahil sa lalim ng titig niya saakin, maging siya ay hindi kinaya ang intensity ng mga titig niya dahil kaagad siyang nag iwas saakin.

"Christmas party? Are you kidding me Vana? February na ngayon." Bulyaw niya saakin, ang sungit talaga nitong lalaking walang sex life!

"Ah, eh kasi nakasanayan na namin ng mga barkada na tuwing February i-celebrate ang Christmas party namin." Paliwanag ko sakanya, pilit kong pinapagaan ang boses ko dahil baka mamaya hindi pa ako bigyan ng pera nito.

Pinunasan niya ang labi niya ng tissue, damn ang sexy niyang kumilos. Pang mayaman talaga. Tumayo siya at marahang inayos ang neck tie niya, napansin kong medyo magulo iyon. Naalala ko tuloy noon, ako ang nag aayos ng neck tie ni Daddy sa tuwing busy ang Mommy.

"Alright, maglinis ka. Pagkatapos pumunta ka sa opisina ko bibigyan kita ng pera." Napanganga ako sa sinabi niya! Magrereklamo na sana ako pero mabilis siyang lumabas ng bahay at narinig kong pinatunog na niya ang kotse niya.

Grabe! Napaka talaga niya, bakit ba nawala sa isip ko na kinakailangan ko pang magtrabaho sakanya para lang bigyan niya ako ng pera? Nakakaloka, samantalang dati isang hingi ko lang kay Daddy may pera na kaagad ako.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon