Bumaba naman kaagad siya ng kotse at ako naman ay dahan dahan kong tinanggal ang seatbelt ko. "Baba." Sabi niya. Hindi ako umimik sa halip ay tinakpan ko ang bibig ko gamit ang mga kamay ko.

"What are you doing?" Alam kong naiinis siya ng mag tanong siya. "Pfft." Pigil ko sa tawa ko. "Sabi ko, Baba na." Utos niya muli.

"Fck." Mura niya.

Napa tigil naman kaagad ako sa pag tawa ko ng marinig ko iyon mula sa bibig niya. Inis naman akong humarap sa kanya. "Hindi mo kailangan sabihin iyon, Baba ako. Baba. Baba ako." Sabi ko pero medyo natatawa tawa ako dahil sa itsura ng mukha niya.

Hindi naman siya nag salita ng sunod sunod kong sabihin iyon sa kanya, Dahan dahan naman niyang isinara ang pinto ng kotse niya.

"Saan mo ba ako dina----" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita ko ang malaking itim na gate na nasa harapan ko. Tumingin kaagad ako sa kanya na naka tingin rin pala sa akin. "Bat mo ako dinala dito?!" Gulat na tanong ko sa kanya.

Tumaas ang sulok ng labi niya at hinawakan ang kamay ko. Pinilit ko ang sarili ko na mag matigas. Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko.

Tumingin naman siya sa mga mata ko, "Trust me, Hindi ka na masasaktan." Hindi ako nakapag salita ng sabihin niya iyon. Dahan dahan siyang nag lakad at hindi ko namalayan ang sarili ko na sumusunod na pala ako sa kanya.

Lumilihis kaagad ang mga nakakasalubong namin, Alam kong pinagtitinginan ako ng lahat. Teka? Ako ba o itong kasama ko lang?

"Siya yung nasa Egg Party diba? Wag mong sabihin, Magpapa Egg Party ulit siya? Aba! Walang kadala dala." Rinig kong sabi ng mga nalalagpasan namin.

Napa hinto naman kaagad ako dahil sa narinig kong iyon. Huminto rin naman kaagad ang kasabay kong mag lakad habang hawak hawak ang kamay ko.  Dahan dahan akong umusog papunta sa likod niya.

"What's Wrong?" Bulong niya. Dahan dahan naman siyang humarap sa akin.

Hindi ako makapag salita, Habang patuloy kong tinitingnan ang mga taong naka paligid sa amin at titiningnan ko ang mga mata niya. Nababalot ng takot ang buo kong pagkatao.

Hindi ko akalain na mangyayari ito sa sarili ko ang matakot sa mga tao. "Trust Me." Sabi niya.

Hindi ako umimik ng sabihin niya iyon. Pirmis parin ako sa kinatatayuan ko. Ayokong sumama sa kanya dahil natatakot akong pweding maulit muli sa akin ang nangyari dito. "I.. i.. i'm scared." Uutal utal na pag amin ko.

Tumingin siya sa mga mata ko at humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. "Listen to me, I will not let them hurt you. I promise, I will protect you." Sabi niya.

Huminga na lamang ako ng malalim ng marinig ko iyon sa bibig niya. Lumakad muli siya habang ako ay sumusunod na lamang sa kanya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pag hawak sa kamay ko.

Ilang sandali nakarating kami sa lugar na kung saan pinagbabato ako ng puting itlog. May sumalubong kaagad sa amin na apat na lalaki at nakipag apiran ito kay Kris.

Napa tingin ako sa mga taong maka naka luhod at mga naka yuko ito. Ang bilang nila ay nasa mahigit sampo. May mga babae at mga lalaki. Halo halo sila.

Ang mga iba ay natatandaan ko pa, Sila ang mga bumato sa akin ng puting itlong, nag buhos sa akin ng harina at slime.

"Siya ba?" Nag tago kaagad ako sa likod ni Kris. Isang lalaki na itim ang buhok ang nag tanong kay Kris.

Tumango naman kaagad si Kris at dinala ako sa harapan nila. Hindi ako nakagalaw, Pakiramdam ko ay nalulusaw ako sa mga tingin nila sa akin.

"Nice." Sabi ng isa sa mga kasama niya at tumawa silang lima.

Naramdaman ko naman na may umakbay sa balikat ko at pag lingon ko ay si Kris iyon. Kung hindi lang ako nasa ibang school ay matagal ko na siyang nasuntok sa mukha. Walang basta basta ang nakaka akbay sa akin.

"Can we start?" Lumingon ako kay Kris ng tanungin niya sa akin iyon. Kumunot naman kaagad ang noo ko ng sabihin niya iyon. "Start what?" Tanong ko.

"Your Revenge, I mean our revenge." Naka ngiti niyang sagot.

"Ha?" Tanging lumabas na lamang sa bibig ko. Lumingon naman kaagad sa kanila si Kris at Sumenyas siya.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita ko silang sunod sunod na pinagbabato ng mga puting itlog. Napa takip ako sa bibig ko ng gawin nila iyon, Ang mga iba ay napa iyak na kaagad dahil sa mga bumabato sa kanila.

Napa dako ang tingin ko sa isang babae na naka tingin rin sa akin. Wala siyang hawak na kahit ano. Naka tingin lamang siya sa akin pero umiwas rin kaagad siya at tumalikod at nakipag siksikan sa mga tao para makaalis.

Kaming anim lang ang mga nanunuod sa mga ginagawa nila. Tiningnan ko si Kris na tahimik lang habang pinapanuod ang mga binabato ng mga itlog.

Ilang sandali pa, Huminto sila sa pag bato ng puting itlong. "Ubos na." Rinig kong sabi ng isang babae. "There are two more  trays here." Sabi ng lalaking pula medyo brown ang buhok.

Kinuha naman kaagad nila iyon at bumalik ulit sila sa mga ginagawa nila. Pinagbabato muli nila ng puting itlog ang mga naka luhod.

"Kris." Tawag ko sa kanya. Lumingon kaagad ako sa kanya at kasabay iyon ng paglingon niya sa akin. "Tama na." Sabi ko.

Umiling siya kaagad at ibinalik ang tingin muli sa mga binabato, Tumingin naman rin kaagad ako sa mga binabato na ngayon ay binuhusan na nila ng harina at slime.

Naaawa ako sa kanila, Sobrang naaawa ako sa kanila. "Kris, Nasasaktan na sila!" Medyo tumaas na ang boses ko pero ang tanging nakarinig  lang ay si Kris kaya lumingon siya sa akin. Lumapit naman kaagad siya sa akin.

"Hindi ka ba natutuwa na iginaganti kita?" Tanong niya. Mabilis akong umiling. "Hindi, Hindi ko kayang mag saya ng may nasasaktan na ibang tao. Kris, Sumasaya ka ba kapag nakikita mo ng nasasaktan ang isang tao? Sumasaya kaba?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Napa suklay siya sa buhok niya gamit ang mga daliri niya. "Stop!" Sigaw niya. Tumigil naman ang lahat sa pagbabato ng mga itlog sa mga naka luhod na tao.

"I hope you appreciate my effort." Sabi niya at dali daling umalis sa tabi ko. Hindi ako naka imik ng sabihin niya iyon, Unti unti ay nagsisi alisan ang mga tao sa paligid ko.

Hinanap ko kaagad siya kung nasaan siya, Pero dahil sa marami ang mga tao ay hindi ko siya makita. Kahit ang buhok niyang blonde at piercing sa mga tenga niya ay hindi ko makita.

Sabi niya, Hindi niya hahayaan na masaktan ako pero bakit ganito naman?


Bakit nasasaktan ako?

**

Tadaaaaaah! Hahahaha. Ano na kaya nangyayari kay Sicachu? ;p

VOMMENT and LOMMENT Please, Thanks! :*

Mrs.Lee

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now