39th

19.6K 1K 492
                                    

Even Beneath



"Bakit?" tanong sakin ni Cal nang abutan ang mabigat kong titig.


Umiling ako at nanatiling nakapangalumbaba sa round table habang hinihintay iserve ang order namin.


"Wala lang," simpleng wika ko.


I don't know. I wasn't planning to stare at him all night long. There's just this sudden urge that drives my eyes towards him. Tila may humihigop sa mga mata ko patungo sa kanya.


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Gumawa siya ng eksena! Hindi niya lang basta binitawan ang mga salitang 'yon kundi ipinaalam niya pa sa buong mundo! My phone had been buzzing like crazy the whole time. Sigurado akong isa si Solace sa mga naglalaway na sa kwento pero maging ako ay nasa alapaap pa rin. I still can't fully grasp everything too!


Manghang napatuon sakin si Cal. Nanunuri ang mga mata.


"You're looking at me that way already.." his voice slowly croaked in awe.


I was quite taken aback by his amusement and the way his eyes lit up.


"What way?" kyuryosong tanong ko.


"The way you looked at the stars.." pumungay ang mga mata niya. "You now have the same gleam in your eyes as you gaze at me.."


Sa paraan ng pagkakasabi ng paos at tila lasing niyang tinig ay nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok. Idagdag pa ang klase ng tingin ng maamo niyang mata.


Sa narinig sa kanya ay bigla kong naalala ang sinabi niya noon. He once mentioned how he wanted me to look at him the same way I do to the sky. Hindi ko namalayang ganun na rin pala 'ko tumitig sa kanya ngayon.


He bit his lip.


"Ang tagal kong hinintay na tignan mo ka nang ganyan pero ngayong nandito na.. damn.. hindi ko pala kaya, nakakapanghina.."


Tila nahihirapan syang nag-iwas ng tingin bago mariing napapikit at yumuko.


Hindi pa rin natinag ang mga titig ko sa kabila ng pananaway niya. He said his weak heart can't handle my million-dollar eyes. Parantanga. Napapanguso na lang ako. He really keeps on averting my gaze.


"Quit staring," saway niya kasabay ng bahagyang pagpusyaw ng pisngi.


Napapangisi na lang tuloy ako hanggang sa matanaw ang pagdating ng pagkain. Naputol lang ang tumatagal kong tingin sa kanya nang lumapit ang waiter para ihain ang mga putahe. Nabaling na sa lamesa ang atensyon namin.


I then turned to my own food too. I was already picking up the utensils when I heard Cal's voice.


"Why is this a T-bone.." mahinang anas nya.


Umangat ang tingin ko at naabutang bagsak ang mata niya sa sariling plato habang sinusuri ang naroon.


"Why?"


"I ordered a Porterhouse but they gave me a T-bone," tukoy niya sa steak.


"Huh? Papalitan natin kung ganon.." agad na wika ko sa kalmadong tono.


Lumingon siya sa direksyon ng counter at aktong itataas ang kamay sa waiter nang agad binawi at humarap sakin.


Napamura siya. "Hiya 'ko. Wag na, ayos na to." natatawang wika niya.


EternityWhere stories live. Discover now