4th

19.7K 1.1K 553
                                    

Apply



Nasagutan ko nang maayos ang exam sa AnaPhy. Maaga rin ang dismissal sa isa ko pang major kaya't maganda ang takbo ng Lunes ko.


20 minutes early tuloy akong nakarating sa sunod kong klase. Sarado pa ang classroom para sa PhilArts. May ilang tao na ring naghihintay sa labas.


Kinuha ko ang notepad sa bag at binuklat sa pahinang sinulatan ko ng outline para sa reporting. Sumandal ako sa dingding at binasa na lang muna iyon habang nagpapalipas oras.


Umangat ang tingin ko isang beses at natanaw na paparating ang babaeng nagpasama sakin bumili ng lapis. Saglit ko lang siyang sinulyapan at binalik na ang tingin sa kinakabisado.


Malinaw ang pagkakasabi niyang wag ko siyang kakausapin sa school kaya't ewan ko ba kung bakit bigla siyang lumapit at dumaldal sa harap ko.


"I have kwento kasi and you're the first one I saw!" depensa nya nang tanungin ko. "Come on, don't get the wrong idea. I don't see you as a friend, okay?" nagkrus pa ang braso niya sa dibdib.


Tumagal ang titig ko sa kanya. May napagtanto.


"Siguro... wala kang kaibigan," dahan-dahang anas ko.


Tila nainsulto siya sa sinabi ko. Napanganga pa sya bago umismid.


"Excuse me? Andami kayang trying hard maging friends ko! I'm just really picky," irap niya. "But I do have people I'm close with!"


"Sige nga, sino?"


Natigilan siya sa tanong ko. Kinalas niya ang halukipkip at ginala ang mata sa mga naroon.


May mga nakatinginan siya pero nag-iwas lang din. Ang isang grupo pa ng mga babae na sa unang tingin ay tila makakasundo niya dahil branded din ang mga damit ay sumulyap lang. Nagbulungan at tumawa pa nang mahina. Nakita kong bahagyang namutla ang kaharap ko.


I sighed. "Wala no?"


Lumunok siya at kumpyansang bumaling sakin. Nagbalik na ang pagkakakrus ng braso.


"Meron!" aniya. "For one, si Laygo. Bestfriend ko 'yon!"


"Sinong Laygo?"


She groaned. "You know nothing, ano? Like, kilala kaya siya ng everyone! He's also a Mech Engg Student like me. In fact, the two of us are batchmates."


Kumikinang ang eleganteng clip sa buhok niya bawat munting galaw ng ulo. Pansin kong madalas siyang magsuot ng iba't ibang disenyo nito. Akala ko'y pambata lang ang mga ganito pero ngayong nakikita ko sa kanya ay napagtanto kong hindi pala. Bagay iyon sa sopistikada niyang mukha.


Naubos ang libreng oras ko sa kaka-satsat ni Solace sa mga bagay na hindi naman ako interesado. Tila naoffend pa sya nang tanungin ko ang pangalan niya. Solasta Aicelle ang nakita kong nakalagay sa ID niya pero mas gusto niyang tawagin sa palayaw.


Nagkatabi pa kami ng upuan pagpasok dahil ayaw niya raw maputol ang kinukwento. Hanggang matapos ang klase at mag-uwian ay may paalala pa siya.


"Don't walk with me ha? We're not like friends naman para magsabay,"


Magaan ang araw ko para sa isang Lunes. Kadalasan ay siksik ang gawain sa panimula ng linggo pero ngayon ay hindi. Hindi ko ramdam ang pagod hanggang sa pagpasok sa trabaho.


EternityWhere stories live. Discover now