20th

17.8K 1.1K 522
                                    

Tinupi



Ang mga sumunod na araw ay mabilis na lamang na lumipas. Palibhasa'y padulo na ng sem. Halos puro finals exam at project presentations na lang ang inaatupag ng lahat.


"Nice one, team!" hiyaw ni Levi at hinagis pa sa ere ang itim na coat.


Naka-formal attire pa kaming lahat dahil kakatapos lang itanghal ng case study. Pati ang mga kaklase ay halos maluha dahil sa wakas ay nakaraos na. Nagisa man ng panel ang bawat grupo ay matagumpay pa ring naitawid.


"Yas! Congrats, guys!" bati ni Christa.


Nagulat pa ko nang yumakap ito sakin. Tipid akong napangiti at sinuklian ang mahigpit niyang akap. Pati si Annie na nakaabang sa gilid ay sinalubong ako ng yapos pagkabaling ko sa kanya.


Nang pakawalan niya ko ay nakaramdam ako ng panibagong presensya sa tabi. I turned right and saw Calcifer with his arms wide open too.


"Ako rin," aniya habang nakalahad ang bisig.


"Siraulo." natatawang tinulak ko ang dibdib niya.


Agad naman siyang kinantyawan nila Erwin at saka ito kinulong sa yakap nila ni Levi.


Bago umalis ng silid ang guro ay nagbigay pa sya ng mensahe sa klase na mas lalong nagpatindi sa emosyon ng iba. Pinuri nito ang paghihirap ng bawat grupo at binati kami dahil mataas daw ang nakuha naming lahat. Sa lahat daw ng hawak niya ay kami ang paborito niya. Hindi ko alam kung totoo. Aniya pa'y samin daw sya pinaka natuwa. Bukod pa ron ay exempted na raw ang section namin sa last exam.


Kaya naman nang lumabas ito ay halos magwala ang mga kaklase ko. Napuno ng sigawan at talunan ang classroom. Meron pang umakto na ihahagis ang upuan sa ere.


"Raya.." I heard Cal's soft voice from nowhere.


Nakita ko itong papalapit sa akin.


"Picture tayo," aniya— kasama pa si Davion na tila nahila lang, may nakahanda nang camera.


Narinig ito ni Christa kaya't agad napalingon. "Hoy oo nga wala pa tayong photo! Tara groupie! Pakuha tayo para maayos!"


Calcifer looks alarmed, ibubuka pa lang sana nito ang bibig nang sumang-ayon na ang lahat. Gayundin ako.


"Oo nga. Lika na, lahat tayo."


Natutop nito ang labi at wala nang nagawa nang hilahin sya nila Levi.


Bahagyang naka-angat ang sulok ng labi ni Davion habang kinukunan kami ng litrato, tila natatawa sa sitwasyon. Mapang-asar at nanunuya.


Nang matapos ay sadya itong tumalikod agad, hihilahin pa sana ni Calcifer pero hindi na nagpahabol.


Hindi na namin nacheck ang mga larawan. Ang alam ko lang, nang tignan ko ang mga sinend na kuha sa groupchat kinagabihan ay si Calcifer lang ang hindi nakangiti saming lahat. Nakasimangot pa nga at mukhang badtrip ang itsura.


The next few days have been nothing but light. Ang ibang prof ay hindi na pumapasok dahil tapos na. Konti na lang din ang natitira sa mga tests ko. Magaan na lang ang bawat araw dahil halos puro vacant na.


"Thank you talaga! Bawi ako sa inyo next time!" wika ni Annie habang naggugupit ng crepe paper.


"Libre mo na lang kami. Padeliver ka meryenda," hirit ni Erwin.


EternityWhere stories live. Discover now