29th

16.6K 1K 394
                                    

Light Up



Hindi ko sigurado kung magandang ideya ba iyon. Duda 'kong makakatulog ako sa ganoong posisyon. Not because it was uncomfortable. Kundi dahil naghihisterya ang puso ko. It was beating erratically like crazy. Daig ko pa ang nakipag-karera gayong naka-pirmi lang naman ako sa pwesto.


Yet it was relaxing at the same time. Having him beside me was soothing. Leaning on his shoulder was pacifying. Bago ko pa mamalayan ay tuluyan nang hinila ng antok ang diwa ko.


"Bakit naka-smile ka na naman dyan?" pamewang ni Solace.


Naglaho ang kurba ng labi ko sa isang iglap. I wasn't even aware of it in the first place.


"H-huh?" napatuwid ang likod ko.


Umarko ang kilay ni Solace.


"You've been acting weird lately.." sumingkit ang mga mata niya— she eyed me suspiciously. "Bigla ka na lang napapangiti mag-isa," mapanuring bintang niya.


Lumunok ako.


I am constantly reminded of Cal's intoxicating scent. Amoy na amoy nung nakasandal ako sa kanya sa jeep. Sa lapit namin ay halos kumapit iyon sa ilong ko. Sobrang bango. Nakakaadik. Hindi ko makalimutan.


Maya't mayang sumasagi sa isip ko. His smell never faded even until dusk. Walang kupas hanggang gabi. If anything, it just got better. His natural scent added flavor to his perfume. Parang habang tumatagal ay mas lalo lang bumabango.


Tuwing nagkakasalubong tuloy kami sa grounds ay medyo hirap akong tignan siya nang diretso sa mata.


"Ano yan?" tanong ko nang ilahad niya ang naka-abang na kamay sa tapat ko.


He just offered his hand further.


"Org handshake," ngisi niya.


Tumikhim ako.


Bawat organization dito sa University ay may ganitong tradisyon. Unique at walang kaparehas ang kamayan ng bawat club. Ganon ang batian ng mga orgmates tuwing nagkikita.


"Hindi pa naman tayo official members.." wika ko.


Oo nga at tinuro na sa amin iyon nung nakaraan pero hindi pa naman kailangan.


He shrugged.


"Practice," hamon niya at sinubok kung naaalala ko pa. Baka raw kasi nakalimutan ko na agad kung pano kaya ayaw ko.


Napabuntong-hininga ako at wala nang nagawa. Halos kilabutan ako nang maglapat ang kamay namin. Ang init ng kanya.


Ilang araw akong tuliro sa nararamdaman at sa mga sumusulpot sa utak. Minsan tuloy ay ayoko na lang mag-isip at pag-isipan pa. Nakakatakot kasi kung saan ako nito dadalhin. Pati na kung saan mismo iyon papunta.


"Nezko, padeliver sa taas."


Bahagya akong napalingon nang marinig ang sinabi ng barista. Sabado ngayon kaya't may pasok ako sa Arabica. Dahil patay na oras pa ay wala pang masyadong tao sa loob ng coffee shop.


"Wait lang may tinatapos pa 'ko." sagot ng katrabaho ko.


"Lalamig na ito, ihatid mo muna!"


I interjected by clearing my throat.


"Sa third floor po ba?" anas ko.


Bumaling sakin ang barista. "Oo, Raya. Dun ulit sa entertainment agency."


EternityWhere stories live. Discover now