3rd

20.1K 1K 651
                                    

Kindat



Tuwing araw ng Linggo ay ganon din ang gising ko. Maaga. Bago kasi umalis ay sinisiguro kong nakahanda na ang lahat para kay Ate na iniiwan ko sa bahay. Nagluluto na ako ng makakain niya at tinatakpan na lang sa ibabaw ng lamesa.


"Ate, halika na. Papaliguan na kita,"


"Raya, hindi na nga! Ako na lang sabi."


I bit my lip. "Pero Ate.. baka maulit na naman yung nangyar—"


"Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Kaya ko nga nang mag-isa!"


Napabuntong-hininga ako. May mga araw na maganda ang timpla niya ngunit may mga araw ding hindi. Isa ito sa mga pagkakataong iyon. Kadalasan ay ako naman talaga ang nag-aasikaso sa kanya. Pero kapag ganitong may sumpong siya ay pinipilit niyang mapag-isa.


Hindi ako mapakali habang naghihintay sa labas ng banyo. Panay ang parit-parito ko sa harap ng pinto. Nang may marinig na dagundong mula sa loob ay kumalabog ang dibdib ko.


"Ate!" binayo ko ng katok ang pinto.


Wala akong narinig na sagot kaya't mabilis kong binuksan ang pinto. Naabutan ko siyang bumabalik sa pagkakaupo sa wheelchair mula sa animo'y pagkakahulog. Namilipit ang sikmura ko at agad siyang dinaluhan.


"Ate–"


Winaksi niya ang kamay ko. "Ako na! Kaya ko." malamig na turan niya. "Kuhanin mo na lang ang tuwalya ko sa labas."


Sumisikip ang dibdib ko habang natutunghayan ang pagsisikap niyang umahon sa pwesto. Nang tuluyang makaupo ay nag-iwas ako ng tingin bago pa man umangat ang mata niya. Takot na mahuli niya ang nagbabadya sa sulok ng mata. Tumalikod ako at ginawa ang nais niya.


Tulala ako hanggang makarating sa trabaho. Sa counter ng fastfood pa naman ako nadestino para sa araw na to. Pilit kong nilunok ang bara sa lalamunan bago mag-opening.


"Raya! Kulang daw ketchup ng customer mo kanina! Ayusin mo naman!"


"Huh? S-sorry.." agad akong dumukot ng pakete sa ilalim.


"Wag na. Nabigyan ko na oh! Di mo ba nakita. San utak mo nyan?" mahinang singhal ni Eloise.


Agad na napalitan ng ngiti ang iritasyon niya nang may lumapit para umorder. Namangha ako sa pagapapalit-anyo niya. Huminga ako nang malalim at minabuting isantabi na muna ang mga gumugulo sa isip. Tutal ay eksperto naman ako pagdating sa bagay na 'to.


Pasado alas-onse na nang may pamilyar na babaeng pumasok sa entrance. It was the rich girl from my PhilArts class. Halatang hindi pamilyar sa lugar habang lumilibot ang mata. She looks totally out of place as she grace her way towards the counter.


Umismid siya nang makita ako.


"You," aniya. "Where did you buy that pencil?"


"H-huh?" takang tanong ko.


Hindi mapirmi ang tingin niya. "Yung pencil. Where did you get that ba? I can't find any!"


Natigilan ako.


"Dyan lang.. uh.. sa tabi-tabi.." wala sa sariling sabi ko.


"Like where is that specifically?"


"Sa labas uh siguradong meron dyan.."


"Outside?" napangiwi siya nang matanaw ang mataas na sikat ng araw. "Can't you like go with me for a moment then? Coz I don't know where mismo dyan eh,"


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon