21st

17.1K 954 185
                                    

Alam niya rin



To hear it from other people is one thing. But to hear it directly from him is another.


Hindi lang isang beses may nakapagsabi sakin ng tungkol dito. Miski sa groupchat ng STS ay talamak ang ganito. Tanda ko pa ang isang gabi na panay ang pasok ng mensahe sa gc habang nag-aaral ako. Ang ingay ng mga kaklase kong lalaki.


Hindi ko na napigilang buksan dahil sunod-sunod ang beep. Stolen picture ni Cal ang bumungad sakin sa simula ng thread.


Wesley:

@Raya pasundo na raw sayo bebe mo


Xion:

uwing-uwi na, babe time nyo na raw


Hanes:

kanina pa yan ganyan Raya hahaha sayang di namin navideohan


Patay-malisya 'ko sa lahat. Para sakin, it's either kalokohan lang ng mga kaklase ko yon o nagbibiro lang si Calcifer.


It was hard to pinpoint which is real or not. Kung alin ang seryoso o hindi. Mula kasi nang ipares kami sa isa't isa ay panay na ang asaran sa klase. It was all fun and games in the classroom to the point that I got so used in hearing their made-up stories and jokes.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat ang kapilyuhan ni Calcifer. Natural iyon sa kanta. He's known for his humor and playfulness. That, plus his being gentlemen to all. He's normally comfortable and close to other people.


Kita ko kung pano nya tratuhin ang ibang tao. The way he gives up his chair for a female classmate. Kukuha na lamang ng para sa sarili sa pamamagitan ng pagbuhat mula sa kabilang silid. The way he volunteers to move the table and set-up the projector for the prof. Nakakabit sa ceiling ang pinaglalagyan non kaya't kadalasan ay hindi abot ng matatandang guro. The way he opens the door and lets the women pass through first before himself.


Maliit na bagay kung tutuusin. All were the bare minimum. Pero napapansin ko pa rin. Dahil ganun siya. Ganun talaga sya. Sa iba. Sa lahat. Hindi lamang sakin.


Kaya't ang hirap tukuyin kung san iguguhit ang linya. There's a fine line between someone he treats normally and someone more than that. And there's a fine line between me being just mindful and me being all over myself that I tend to make everything about me.


Magdamag akong hindi pinatulog ng pag-iisip.


Kaya naman ngayong natatanaw ang papalapit na pigura ni Calcifer ay halos tumulala na lang ako sa kawalan. The silent thoughts in my head are the only audible thing in my mind while I was sitting inside the quiet library.


Umupo siya sa harap ko. He intentionally pouted his lips like how he always do whenever he's trying to act upset.


"Di ka nagrereply," madramang wika niya bago pumangalumbaba. "Lagi naman pero sana sinagot mo man lang yung tanong ko kung nakauwi ka na.."


Hindi ako umimik. Nanatili sa kanya ang mata. Nililibot sa mukha niya ang tingin. Pilit inuunawa ang narinig kahapon at ang buong sitwasyon. Kagabi pa napag-isipan pero hindi pa rin matanggap. Umaasang hindi totoo ang kinakaharap na reyalidad.


His brow arched at my shameless stares.


"What?" umangat ang sulok ng labi niya. "Missed me?"


Amusement flashed in his eyes when I didn't answer. Manghang kumurba ang labi niya sa isang nakakalokong ngisi.


"Raya naman... wala pa ngang 24 hours eh," panunuya niya.


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon