5th

19.4K 1K 580
                                    

Ang Pangalan



Nasisante sa trabaho si Samara na siyang instructor ni Gia. Ang batang muntik nang malunod kahapon dahil napabayaan.


Kung tutuusin, iniwan lang naman daw ito saglit at binilinan pang wag munang lumangoy. Mahirap din naman kasing labanan ang tawag ng kalikasan ika nga ni Samara. Pero ano pa nga bang magagawa ng mga tulad naming nasa laylayan ng lipunan. Nakadepende lang namam kami sa dikta ng mga nasa itaas. Kaunting pagkakamali at wala na kaming palag pa.


"Pa-sight ng assignment mo sa PhilArts,"


Tumagal ang tingin ko kay Solace na ngayo'y nasa harap ko.


Bukod sa puro sosyal ang mga tao sa paaralang ito, isa pa sa rason kung bakit hindi na ko nag-aabalang kilalanin ang mga kaklase ay dahil walang block sections.


Iba-iba ang mga kaklase mo sa bawat subject at nagbabago rin sa bawat semestre. Hindi praktikal ang makipagkaibigan para sakin. Panibagong pakikisama na naman kasi paglipas ng limang buwan. Bukod pa roon ay dalawa o tatlong beses sa isang linggo lang naman ang schedule ng bawat subject. Bihira lang din talagang magkikita ang bawat isa.


Kaya't kung bakit nasa harap ko na naman itong si Solace gayong wala naman kaming PhilArts ngayong araw ay hindi ko alam.


"Ano?" tanong ko.


Sa paraan ng paglapit niya sakin kanina ay para bang hinanap niya pa ko para sa kung anumang pakay niya. At talaga namang natunton niya ko sa kung saan ako nakatambay.


Umupo siya sa harap ko. Medyo hinihingal pa. Hindi bagay sa magara niyang itsura.


"Yung homework sa PhilArts. Pa-sight nung sayo," ulit niya. "Patingin lang."


Kumunot ang noo ko. Matagal bago siya tuluyang naunawaan.


"Ah.. pakopya," dahan-dahang anas ko.


Pinamulahan siya at nanlaki ang mata.


"Hindi ah! Pasight nga lang! May titignan lang naman! Icocompare ko lang sana!" depensa niya. "Finished na kaya ako!"


"Ganun na rin naman yon diba? Kapag may magkaiba ay papalitan mo. Ayos lang naman," wika ko habang binubuksan ang bag.


Nagkulay kamatis ang mukha niya at halos umusok ang ilong sa pagtanggi. Nakabusangot hanggang sa pagbuklat ko ng notebook at pagtapat ko sa kanya ng sariling gawa. Patuloy pa rin sya sa pagpapaliwanag habang kinukumpara niya na ang sagot namin.


"May klase na ko. Picture-an mo na lang," suhestyon ko kalaunan.


Nagdalawang-isip siya roon. Tila hindi kumportable sa ideya na kunan ng litrato ang gawa ko. Sa huli ay iginiit niyang magkita na lang ulit kami mamaya dahil hindi niya pa natapos at may itatanong pa umano siya.


"Just tell me where you'll be later so I can come to you,"


Bago kami maghiwalay ng landas ay nag-inarte pa ito at sinabing wag na raw ulit akong pupwesto sa mainit na parte ng campus. Ayaw niya raw nang pinagpapawisan.


Naglalakad na ko sa hallway patungo sa sunod na klase nang may matanaw sa di kalayuan.


Sumingkit ang mata ko habang kinikilala ang pamilyar na mukha. Nakumpirma ko ang hinala nang sumilip ang dimple sa pisngi ng lalaki habang kinakausap ang kasama.


EternityOnde histórias criam vida. Descubra agora