32nd

16.7K 950 387
                                    

Crash



"Kumusta na pala yung pa-hard-to-get na frenny mo?" Solace asked.


Sa kalagitnaan ng pagsusulat ay napatigil ako. Nilingon ko sya.


"Ha?" wika ko habang tinatakpan ang ballpen.


"Yung kaibigan mong gustong tigilan na siya nung guy.. She wants him to lose interest in her diba? The last time I asked, you told me na sinunod niya naman yung advice ko." she pointed out. "So how was it? Ano nang balita?"


Matabang akong tumikhim. Nagdalawang isip pa kung anong sasabihin sa kanya. Or if I should even say anything.


Pero dahil medyo binabagabag din talaga ko ng tungkol doon, naisip kong makakatulong din siguro kung ikokonsulta ko.


Isa pa.. pakiramdam ko ay kampante na kong magpakatotoo kay Solace. She may not always side with me about alot of things but she speaks her truth all the time. When it's her I'm talking with, I feel safe.


Kaya naman una sa lahat ay siniwalat ko muna sa kanya na ako at si Calcifer ang tunay na sangkot sa kinwento ko sa kanya noon.


Laglag ang panga niya tulad ng inaasahan ko.


I ended up telling everything to her. The updates ever since I started doing what she suggested. Pati na kung anong kinalabasan ng lahat ngayon.


Her deadpan face shot me a look.


"Alam mo.. kung alam ko lang na si Calcifer ang tinutukoy mo, hindi kita bibigyan ng ganong suggestion in the first place!" humalukipkip siya. "He must be playful but that guy takes relationship seriously, Raya. Kahit kanino mo pa itanong,"


Sa kabila ng mga side comments at pambabatikos niya ay pinakinggan niya pa rin ako. She also asks me things in between. Hinayaan niya kong magpatuloy. Nabanggit ko na rin ang mga napansin kong pagbabago sa nararamdaman ko.


"You obviously likes him now too," she frankly declared.


Napasinghap ako. "Hindi pa 'ko ganun kasigurado, Solace.."


"What?! Ano pa bang kailangan mong confirmation?"


Nag-iwas ako ng tingin. "Baka kasi nadadala lang ako dahil palagi siyang nandyan para sakin.."


"Ugh! Just accept the fact that you like him back, Raya! At this point, sarili mo na lang ang niloloko mo! Have some courage and stand up for what you really feel!"


I bit the insides of my cheeks.


"Kahit naman aminin ko sa sarili ko.. imposible pa ring maging kami,"


Maraming hahadlang. Magkaiba ang mundong ginagalawan namin. Magiging kumplikado lang ang lahat. Baka masira pa ang natitirang samahan namin.


"Alam mo, ang duwag mo." Solace straight-out said.


Kumunot ang noo ko.


"Akala ko pa naman, ikaw yung tipo ng tao na malakas ang loob." dagdag niya. "But no. You're spiritless, Raya. Even spineless, I'd say."


I clenched my jaw.


"That's not true." mariing wika. "Hindi mo alam kung gaano na karami ang pinagdaanan ko—"


"Guess those didn't make you strong enough then." she cut me off. "You're not as brave as you think, Raya. You can't even own up your feelings. Sinong matapang ang hindi man lang kayang mag-take ng risk? Look at you, you're already giving up without even putting up a fight."


EternityWhere stories live. Discover now