2nd

24.6K 1.1K 664
                                    

Pilyo



Maagang nagsimula ang Sabado ko kinabukasan. Morning shift ako sa Fastfood Chain kaya't alas-sais pa lang ay naroon na ako.


Rotation ang pag-aassign ng gawain sa mga staff. Sa fry station ako naka-toka para sa araw na 'to. Ito pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Mas gugustuhin ko pa ang paghuhugas.


Dahil sa pagpiprito ng french fries ako napunta ay higit limang oras akong nakatayo sa harap ng kumukulong mantika. Panay ang galaw sa basket strainer na naka-deep fry. Kung hindi iyon ay ang pagtatakal naman ng mga tapos nang maluto ang pinagkakaabalahan ko.


"Ah!" singhap ko nang matalsikan ng mainit na mantika.


Inalog ko ang kamay saka pinisil ang natamaang daliri kalaunan. Napapikit ako.


"Raya! San na yung tatlong large fries? Bilis! Ang tagal!" bulyaw ni Eloise.


Tumango ako at pinahid ang kamay sa slacks.


"Ito na," wika ko saka tinapos ang pangatlong karton.


Hindi ko masisisi ang mga nasa counter tuwing nagiging bugnutin sila sa paghihintay at pagkumpleto ng orders. May sinusunod din kasi silang oras at quota sa pag-take at pag-serve. Pare-pareho lang naming ginagawa ang tungkulin sa trabaho. Pare-pareho lang din kaming napapagod.


Pakiramdam ko'y sinusunog ang katawang-lupa ko buong shift. Ang init na binubuga ng kumukulong mantika ay tila pinapaso ang balat ko. Nanunuot ang usok mula sa braso paakyat hanggang mukha.


Nagpahinga lang ako saglit nang matapos ang work period. Kumain na rin muna bago inayos ang sarili. Halos ipaligo ko na ang tubig habang naghihilamos. Naka-ilang saboy ako ng tubig sa mukha. Malamig at presko sa pakiramdam.


Napatitig ako sa repleksyon sa salamin bago inabot ang face towel at pinunas sa mukha. Nang matuyo ay kinalas ko naman ang tali sa buhok. Sa sunod ko kasing trabaho ay kailangang nakaladlad ang buhok. Binasa ko ulit ang kamay upang madaling maipangsuklay sa buhok ang mga daliri. Wala kasi akong anumang pang-ayos.


Isang tawiran lang ang ginawa ko para makarating sa sunod na papasukan. Nilabas ko ang ID at iniscan sa biometrics bilang attendance.


Marami nang tao sa Arabica 257  pagdating ko. Ito ang pinakasikat na coffee shop sa lugar. Bukod sa quality ng serbisyo at produkto ay maganda rin kasi ang puting-puting interior.


"Oh, kumusta McDo?" bati sakin ni Leloush pagpasok ko sa locker room.


Habang ako ay nagsusuot ng puting uniporme ay naghuhubad naman siya noon. Umaga ang shift niya rito habang ako naman ay hapon. Salisi ang pasok namin. Sabay kami dati pero nagpalipat na ko simula noong matanggap sa McDo.


"Free trial na naman sa impyerno," sinara ko ang natitirang butones ng puting polo.


Humalakhak siya habang nagpapalit ng tshirt. "Burnout ka na ng lagay na yan? Parang di naman. Mas fresh ka pa sa bagong gising,"


Dati ring pumasok sa parehong Fastfood Chain si Leloush kaya't naranasan niya rin ang mga hinaing ko. Hindi nga lang siya nagtagal doon. Dalawang linggo mahigit lamang. Aniya'y hindi para sa kanya ang ganoong trabaho. Masyado umanong nakakapagod.


Di hamak na mas magaan at madali ang gawain dito sa Arabica. Mataas din ang sahod. Sa counter lang ako madalas nakapwesto dahil hindi pa ko maalam sa pagiging barista.


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon