22nd

17K 886 120
                                    

Siya na



Sa dalawang buwang bakasyon ay puro kayod ang inatupag ko. Bahay at trabaho lang ang laman ng bawat araw ko. Nakuha ko ang inaasahang distansya mula kay Calcifer. Wala kong narinig na kahit ano sa kanya sa kabuuan ng term break.


I think I was really able to get the message across. By the looks of it, he was somehow able to grasp my point as well.


Though it's not like we have any means to stay connected during the holidays anyway. Sa University at sa Swim School lang naman kami nagkikita. Dahil parehas akong walang pasok sa dalawang nabanggit ay wala ring rason para magkrus ang landas namin.


Narinig ko rin kay Leloush na walang training sa agency ang grupo nila kapag ganitong season kaya't panatag akong hindi siya mapapadpad sa Arabica.


Kabi-kabila ang raket ko kapag walang pasok sa eskwela kaya nakakapagod talaga. Gayunpaman ay sulit naman dahil nakakapagtabi ako ng ipon hiwalay sa mga ginagastos na bayarin.


The only thing that kept me anxious for two months was my phone. Kung meron man kasing posibleng magdugtong saming dalawa ay yun lamang iyon. It was the only possible form of communication. Halos napapaigtad tuloy ako tuwing tumutunog iyon. Gayunpaman, ni isang beses ay hindi lumitaw ang pangalan niya sa screen.


Hindi naman na nakapagtataka. Tiyak akong abala sya sa maraming nakakaaliw at masasayang aktibidad buong summer. Ang katulad niyang mayaman ay hindi nauubusan ng paglilibangan. An image of him having a good time with his friends in the best tourist attractions in the world flashed in my mind. Pinilig ko ang ulo.


Sa madaling salita, naging tahimik ang kabuuan ng bakasyon ko. Tagumpay kong naiwasan si Calcifer. Not that any effort is needed anyway. Still, it was better than having it the other way around. Payapa ako.


Subalit alam kong may hangganan din ang lahat.


"Ganun pa rin, Raya. Two clients tuwing TTh at isa lang every MWF." ani ng manager. "Bale tatlo lang ang hawak mo para sa quarter na 'to."


Ngayon ang report back ko sa Swim School dahil pasukan na uli sa makalawa. Tulala ako sa piraso ng papel kung saan naka-imprenta ang schedule ng shift ko. Nakapako ang mata sa isang pangalan.


Inasahan ko naman na ang posibilidad na ituloy niya pa rin ang pagkuha ng swimming lesson tulad ng sinabi niya noon pero hindi ko pa rin maiwasang mapatunganga.


"Hey, Sadava." Solace snapped at me. "Are you even listening?"


Dala ko ang paglipad ng isip hanggang sa mismong unang araw ng klase. Mamayang hapon ay maghaharap na uli kami ni Cal at hindi ko pa rin alam kung paano sya pakikitunguhan.


Kung tutuusin ay malaki ang utang na loob ko sa kanya. Hindi ko itatanggi. Nakatatak sa isip ko ang maraming bagay na ginawa niya para sakin. Pati na ang lahat ng naitulong niya. Calcifer is one of the nicest persons I know, not gonna lie. Maswerte ang mga kaibigan niya sa kanya. For a moment in the past, I once thought we can be one. Or perhaps, we were.


Aaminin ko na sa maikling panahon na pinagsamahan namin ay napalapit na ang loob ko sa kanya. It's hard not to be, considering how he is. Kaya't hindi ko masisisi ang lahat ng magaan ang loob sa kanya, dahil saksi ako sa kung paano sya makitungo sa iba.


It is never my intention to hurt him. Believe it or not, all of these are just as tough for me. Mahirap din para sakin ang sitwasyon. It's not easy to sacrifice what we had.


However... I am in no position to get tangled with him.


I already have so much on my plate. A lot has been going on in my life alone. I can't afford to have more spectacle in this lifetime. It's already hard as it is.


May malaking responsibilidad na kong pasan sa balikat. I am already committed into looking after my sister. I'm not capable of having another commitment anymore.


"Ang tagal nating hindi nagkita and yet you're zoning out," ani ni Solace. "What's the matter ba?"


I don't think I can straight-out cut ties with Calcifer. Ngayon pang makakasalamuha ko na naman siya sa trabaho. Hindi ko pwedeng talikuran ang tungkulin. It's automatically crossed out among the choices. Wala akong kakayahang putulin ang lahat sa amin. Kung meron mang makakagawa non, siya yon.


Bukod don ay wala na talagang ibang paraan. Kaya't imposible. Unless... siya na mismo ang umayaw.


Napabuntong-hininga ako.


Binalingan ko si Solace. Matamlay akong tumikhim.


"Pano ba... mawala ang interes sayo ng isang tao?"


Umarko ang kilay niya sa tanong ko.


I ended up telling things to her. Hindi ko na lang pinangalanan. Sinabi ko pang kaibigan ko ang sangkot. Ewan lang kung kakagat siya. I left the obvious parts behind. Yung mga importante lang ang sinabi ko.


Buti na lang at may pagka-uto-uto naman si Solace kaya't hindi na rin ako masyadong nahirapan.


Matagal siyang nag-isip habang nakapangalumbaba bago nagsalita.


"Maybe he's only interested because she's different from the rest. Walang gusto sa kanya tulad ng iba. She wasn't an easy one. He probably sees her as a challenge," tila expert na sabi niya.


"H-huh?" anas ko habang pinoproseso iyon.


Tumango-tango sya.


"Alam mo naman ang mga lalaki, they like the chase. Hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto. Their pride won't let them surrender in defeat,"


Napaawang ang labi ko.


Is that it? A part of me finds it hard to believe... but her words are somehow making sense.


Nagkibit-balikat ito.


"If I were her, kung gusto niya talagang lubayan na siya, she just have to turn the tables. Quit resisting and start yielding. Baliktarin niya ang sitwasyon. Ipakita niyang bumibigay na siya. Give him exactly what he wants—" she muttered in suspense. "The attention."


Natigilan ako.


"Lahat-lahat. Hanggang unti-unti na siyang mawalan ng gana. Maumay at tuluyang magsawa. Kapag dumating ang oras na yun, believe me.. the girl doesn't have to do anything else anymore. The guy himself will do the honor,"


Tinignan niya ko nang diretso sa mata. I almost got chills down my spine.


"Ito na mismo ang lalayo at lalakad paalis."



















EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon