17th

17.6K 1.1K 996
                                    

Basta ako



Raya:

Maganda yung bagong naisip na topic ni Levi. We'll go with his suggestion. Mag-brainstorming na muna tayo pagdating sa inyo para ma-incorporate yung nauna nang plano. Mas akma kasi sa theme itong idea ngayon. Magugustuhan ng prof panigurado.


Pinadala ko ang mensahe kay Calcifer.


Sinave ko agad ang number niya nang matanggap ko ang unang text niya kamakailan. Hiningi niya kasi ang akin nung araw na nag-meeting kami sa library. Hindi ko na tinanong pa kung bakit dahil tiyak naman akong para sa groupings iyon.


Nang mag-vibrate ang telepono ay bumaling ako sa screen para i-check ang reply ng kausap.


Calcifer:

oo tama btw kumain ka na?


"Si Revano yan?" a voice uttered beside me.


Umangat ang tingin ko sa gilid. Naabutan ko si Solace na nakadungaw sa screen. PhilArts namin ngayon at nakaupo na kami sa loob ng silid. Ang kaso ay wala pa ang Prof. First time ma-late. Mukhang magiging free cut pa ata.


"Si Cal?" dagdag niya kahit hindi pa ko nakakasagot. "How do you know each other? Totoo pala yung naririnig ko lately na close kayo?"


"Huh? Sinong may sabi?" anas ko. "Na close kami?"


Nagkibit-balikat sya. "Usap-usapan ng everyone. Abot hanggang Engineering,"


"Magkaklase kami sa STS.. Kagrupo ko sya sa case study," wika ko.


"Madalas ka raw makitang sumasakay sa Ford Raptor ni Cal tuwing uwian," she simply said.


Natigilan ako.


Bihira lang naman iyon. Tuwing wala lamang siyang swimming lesson at may ballet class si Rae. He lets me hitch and drops me at the Swim School.


"The bitches are even spreading shitty rumors like kay Cal daw galing ang phone mo," gigil na sabi niya. "Sampal ko kaya sa kanila mga fake chanel bags nila! I didn't let them get away with it of course and told them that you bought it with your hard-earned money!" she rolled her eyes and groaned. "Oh please don't be touched ha? Baka kiligin ka na nyan?"


Hindi ko alam kung matatawa o ano kay Solace. The situation obviously isn't funny. But her remarks are somehow helpful, atleast to me.


Pinaalam ko sa kanya kung bakit ako sumasabay paalis ng school kina Calcifer paminsan-minsan. It doesn't seem like she finds any problem with it in the first place though. She said I don't owe anyone an explanation either. Gawin ko lang daw ang gusto ko. Wish I could really do that.


"I'm done with the draft." wika ni Levi. "Encode ko lang tapos pasa ko na sayo, Annie."


Mahigit isang oras pa lang mula nang dumating kami sa bahay nila Calcifer pero marami na kaagad kaming nagagawa. Maswerte ako sa mga kagrupo dahil masipag lahat. Mabilis ang progreso.


"Sige. Ready ko na yung layout." tugon ni Annie.


Nakapaligid ang mga papel sa pwesto ko habang abala 'ko sa laptop ni Calcifer. Nag-iipon ako ng references. Nakasalampak ako sa carpeted na sahig ng malaking bahay. Marami namang mauupuan pero mas gusto ko lang sa lapag. Mas sanay akong gumawa sa ganitong posisyon. Wala naman kasing sofa samin.


Umangat ang tingin ko nang maramdaman ang paglapit ng naka-unipormeng katulong sa taong nasa harap ko.


"Cal, kain muna kayo.." malumanay na sabi nito.


EternityWhere stories live. Discover now