31st

16.5K 929 330
                                    

Marunong ka naman



I used to hate seeing any physical intimacy in public.


Tuwing nakakasaksi ako ng ganon ay lumulukot talaga ang mukha ko. Lampungan sa jeep. Holding hands sa kalsada. Sandalan ng ulo sa balikat. Talamak sa mga kabataan. Napapairap na lang ako tuwing nakakakita. Disgusto ang lagi kong nararamdaman.


I used to despise any of those.


Yet, here I am now. Doing all sorts of PDA. Yakap sa daan. Hawak-kamay sa jeep. Head restfully leaning on his shoulder. Lahat ng yan sa isang gabi. Sa isang iglap. Nawala sa isip ang mga ayaw. Nakalimutan na ang lahat.


A light breath came out from my lips as I stare at our joined hands.


Magkatabi kami sa jeep na mabagal ang andar. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya. Dikit ang mga braso. Magkalapat ang mga balat. Ramdam ko ang init ng kanya. Palms clasped together. Fingers intertwined.


My thumb was subtly playing with his hand. It still feels like if I'm floating. Lost whether this is real or just a midnight dream. Confused between the borderline of the two. Everything seems surreal. Bizarre and illusive.


Pabalik na kami ngayon sa bahay. We didn't really go anywhere. He just took me until the last stop and got me a cup of coffee from there. A breather. An escape.


I realized that's all I need. A minute to get away from everything. Nang mahimasmasan kanina ay giniya ko na siyang umuwi.


Bumagal ang mga hakbang ko nang malapit na kami sa tapat ng gate.


Tumikhim ako.


"Thank you.." malumanay na sabi ko, garalgal pa ang tinig.


Lumunok ako bago dinugtungan.


"For not asking.. anything.."


I'm really relieved that he didn't. Dahil kung nagtanong man siya, hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko sigurado kung kaya ko bang magsalita at magpakatotoo. Hindi ko tiyak kung may lakas ba ko para magpaliwanag at magkwento.


His tender eyes darted straight at me. Napatitig ako sa mga mata niya. Mababanaag doon ang malasakit at pag-aalala na kanina ko pa nakikita.


He heaved a faint breath.


"You won't ever have to tell me things that are too hard for you to say, Raya.." pumungay ang mga mata niya.


"If it's difficult for you, then I'd rather not know. You can run to me no matter what. I can be there for you when you're hurt without having to know the reason behind your pain."


Minsan iniisip ko kung ano kayang nangyari sakin kung wala na sa terminal si Calcifer nung gabing yon. Kung hindi ko na siya naabutan. Kung nakaalis na pala siya. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin. I was wrecked that moment.


Siya lang ang tanging nakapagpagaan ng sitwasyon. He was everything I needed that night. That's why I'm thanking the heavens for letting that day end the way it did.


"Anong oras ka umuwi kagabi?"


Iyon ang malamig na tanong sakin ni Ate Maya kinaumagahan matapos ang nangyari. She wasn't looking at me. Nakatanaw siya sa bintana habang malayo ang tingin.


"Wala pang hating-gabi, Ate.."


Tulog na siya nang abutan ko. Bukas ang pinto at hindi naka-lock. Wala na rin ang mga nakakalat na gamit sa lapag. Naligpit na ang mga pinagbabato. Maayos na ang lahat pagdating ko.


EternityWhere stories live. Discover now