18th

18.1K 1.1K 594
                                    

Buti na lang



So far so good ang development ng case study namin. Consistent ang bawat miyembro mula day one hanggang sa succeeding weeks.


"Game! Mandatory group photo of the day!" kanta ni Christa bago inangat ang sariling phone.


Nag-peace sign sya sa harap ng camera bago i-click ang capture button. Bawat araw na gumagawa kami ay kumukuha sya ng litrato at pinopost nya raw sa instagram stories nya. I'm not complaining though. Magagamit din kasi ang mga yon para sa documentation na ipapasa sa dulo ng sem.


"Raya, andami talagang nagtatanong ng pangalan mo! Sabihin ko ba?" halakhak ni Christa habang nakatuon sa phone.


"Ha?" napahinto ako sa pagta-type. "Saan?"


Tinuro niya ang screen ng hawak. "Tuwing naga-upload ako ng stories. Laging may nagtatanong kung sino raw yung naka-ponytail," ngisi niya.


Pansin kong natigilan din sa ginagawa si Calcifer. Nabitin sa ere ang mga kamay.


"Lalaki?" sabat nito sa mababang tono.


"Malamang!" natawa si Christa bago muling bumaling sakin. "Pero may mga matitino rito! Kakilala ko! Pakilala ba kita?" makahulugang umangat ang parehong kilay niya.


Akala ko naman ay kung sino ang sinasabi niyang nagtatanong ng pangalan ko. Kinabahan ako. Baka may pinagkakautangan ako o ang pamilya ko na hindi ko alam. Tapos namukhaan ako at tutugisin na para singilin. Pinilig ko ang ulo sa imahinasyon.


Nakita kong aktong may sasabihin si Calcifer nang maunahan ni Levi.


"Nga pala! Naalala ko, may nagca-crush sayong blockmate ko, Raya. Napapansin ka raw lagi sa library. Eh nakitang kasama kita nung meeting. Ilakad ko raw sya! Binigay ko name mo sa FB, accept mo na lang." kindat nito.


Tuluyan nang tumigil sa ginagawa si Calcifer. Salubong ang kilay na binalingan si Levi.


"Bakit mo binigay nang walang permiso?" seryosong tanong nito.


"Para yun lang, tol! Na kay Raya pa rin naman kung ico-confirm niya o hindi," depensa nito.


Napailing-iling na lang ako.


"Kahit kaninong pontio pilato niyo pa ibigay ang pangalan ko, hindi rin naman ako nagbubukas ng facebook kaya't wala rin." saad ko.


"Pero kung liligawan ka non? Pwede ba?" habol pa ni Levi.


"Hindi. Wala kong oras," walang pakundangang lantad ko.


"Huh? Pag-isipan mo muna–"


"Hindi nga raw. Tapos ang usapan. Balik na sa ginagawa," mariing taboy ni Calcifer.


Kinabukasan ay naka-uniform uli ako nang pumasok sa University. May panibagong practicals kami sa Fundamentals of Nursing. Ito na lang ang kulang at bubuo sa midterm grade namin.


"Nauna ka na naman sakin," bungad ko kay Calcifer nang maabutan na siya sa labas ng exam room.


Awtomatiko niyang kinuha sakin ang tote bag nang tanggalin ko ang pagkakasukbit nito sa balikat. Inabot niya sakin ang hawak na bottled water.


"It's fine.." aniya. "Pangalawa pa lang naman ang natatawag,"


Tipid akong tumango habang umiinom ng tubig. Nang matapos ay tinakpan ko iyon. Dumako ang mata ko sa kamay niya nang iangat niya ito para abutan ako ng panyo.


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon