9th

18K 968 111
                                    

Pangako



Maswerte ako at tila kumalma na si Ate Maya pagdating ko. Nahimasmasan na yata. Hindi niya ko iniimik pero atleast ay hindi na rin nagwawala.


Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Ilang hakbang pa lang pagkalagpas sa entrance ay dumako ang tingin ko sa parking lot ng Unibersidad.


Naabutan ko ang pagbaba ng pamilyar na pigura sa isang sasakyan. Mula rin don ay lumabas ang isang babaeng naka-high school uniform. Mahaba ang buhok at pino ang mga galaw. May isa pa silang kasamang lalaki na ngayon ko lang nakita. Mukhang matino kumpara sa isang lalaki nung nakaraan.


Tinanaw ko ang likod ni Calcifer habang papalayo ito. Naalala ko ang nangyari kahapon.


Alam kong prangka kong tao. Masyadong lantad at tahasan kung magsalita ika nga ni Leloush. Ayun ang lagi nyang reklamo sakin nung una pa lang kaming magkakilala. Buti nga raw ay nasanay na siya ngayon. Napagtanto niya raw kasing ganon lang talaga 'ko.


Sa naganap kahapon ay nakumpirma kong totoo nga iyon. Tama si Leloush. Hindi ko na itatanggi. Wala ngang preno ang bibig ko. Mas gusto ko kasing sabihin nang direkta ang mga ipinupunto.


I don't sugar-coat my words. Importante ang bawat oras kaya't ayoko nang nagpapaligoy-ligoy. Mabuti na yung malinaw.


Ngayong binabalikan ko ang mga binitawang salita kahapon ay aaminin kong maaring nasobrahan nga ang mga nasabi ko. Kung si Leloush nga noon ay nabigla sa tabas ng dila ko, tiyak na ganun din si Calcifer. Halata naman sa pagkatulala niya kahapon. Pero kung iyon lang ang tanging paraan para tigilan niya na ko ay maigi na rin iyon.


"Oo nagpakilala ako! Kinwento ko pa nga yung tungkol sa favor na hiningi ko sayo eh! Na ikaw ang pumunta sa showcase para sakin!"


Iyon ang sabi ni Leloush nang magkita kami noong morning break ko. Ako naman ang pumunta sa kanya ngayon. Malapit lang ang state university na pinapasukan niya sa campus ko kaya't naisip kong ilibre siya sa turo-turo kapalit ng pagpapahiram niya ng phone.


"May picture na rin kami! Ang bait niya! Ngumingiti pa rin sakin kahit parang malalim ang iniisip! Ano bang sinabi mo dun bago ka umalis?"


Hindi ko maikwento nang buo kay Leloush ang mismong komprontasyon. I just told her that I cleared all the misunderstandings. Napagtanto kong masyado ngang maaanghang ang mga binitawan kong salita para ulitin pa sa harap niya. Baka sabunutan lang ako nito. Hinahangaan niya pa naman yung tao.


Kung nagi-guilty ba ko sa mga sinabi ko ay hindi ako sigurado. Nakasalubong ko si Calcifer sa grounds kanina. Papunta 'ko sa ikatlong klase. Ako na ang naunang mag-iwas ng tingin. Hindi na rin naman siya nagtangkang batiin ako.


I might feel bad about the harsh things I said but I don't regret what happened. Sa huli, totoo naman ang lahat ng yon.


"I have kwento!" excited na salubong sakin ni Solace sa corridor.


Sarado pa ulit ang classroom sa PhilArts kaya't narito kami sa labas at naghihintay na buksan ang pinto.


"You know Neil? Sure you don't, but like she's from my high school plastik barkada. So it's her birthday last weekend kaya we went hopping sa BGC and there's this cute guy sa bar who keeps on checking me out from afar—"


Solace went on with her unsolicited chikas. Nakatayo lamang ako ron habang nakikinig sa kanya na tila hindi nauubusan ng sasabihin. It's like she isn't even expecting any reaction from me. Her vigor never falters despite my static expression like usual. I oddly find this therapeutic.


EternityWhere stories live. Discover now