30th

16.8K 937 188
                                    

Second thoughts



"Kayo na ba ni Cal?"


Natigilan ako sa tanong ng kaklase namin sa SOSC 3. Lumipat ang tingin ko sa kanya


"H-huh?" mahinang anas ko.


Nginuso niya ang likod ni Calcifer na kakagaling lang sa pwesto ko.


"Parang halata naman na kasi pero tanong ko pa rin para sure.." she paused. "Ay wait, secret ba?"


Napalunok ako at sinundan ng tingin si Cal.


Kahit nasa unahan ang upuan ay sakin agad sya dumiretso kanina pagpasok sa classroom. Ngayon pa lang tuloy niya maibababa ang bag. Nakipag-high five pa ito sa katabi pagkalapit.


"Hindi kami." tikhim ko.


Nadismaya ang naka-abang niyang mukha. Her expression turned sour then bland.


"Ay wow.. pasuspense pa," bulong niya bago bumaling sa sariling notebook.


I don't know where they are getting the idea. Pero hindi ko itatangging mas napapalapit nga 'ko kay Cal nitong mga nakaraan. Lalo na simula nung bumalik siya galing Taipei.


Gabi-gabi kong ginagamit ang Lunar Lamp tuwing nag-aaral. Lagi akong napapatitig sa liwanag non habang nakapatong sa stand na kasama rin sa binigay ni Cal. I can't help but watch it in admiration every time. May kumikiliti sa tyan ko tuwing nakikita iyon. I really appreciate it so much.


"Wear this," ani ni Solace habang nasa corridor kami.


Inabot niya sakin ang isang mamahaling paper bag. Nakatambay kami sa hallway habang naghihintay na mabuksan ang classroom para sa susunod na klase.


Kumunot ang noo ko. "Para san?"


Mabagal ang pag-angat ng kamay ko para kunin ang hawak niya dahil nalilito pa rin.


"Sa birthday ni Cal. Nasabi naman na nya sayo diba? It's a pool party. Sa BGC. The Island at the Palace,"


Napanganga ko nang buksan ang paper bag at bumungad sakin ang isang bikini. Bohemian na two-piece. May kasama na ring cover-up.


Suminghap ako. Agad sinara ang paper bag para isauli sa kanya.


"Hindi ako aattend, Solace." wika ko at nilahad iyon pabalik sa harap niya.


"Come on, Raya! Hindi ka na nga pumunta sa birthday ni Davion kahit imbitado ka. Pati ba naman kay Cal? You two are close!"


My firm expression didn't falter.


"May trabaho ako," giit ko.


"Gabi pa naman yun! Kahit saglit lang,"


"Kailangan ako sa bahay." pagmamatigas ko.


Sinubukan niya pa 'kong kumbinsihin matapos iyon. Tumigil lang noong halos mapigtas na ang fuse niya. Wala sa mga sinabi niya ang nakapagpapayag sakin sa huli. She ended up surrendering in defeat. Her last words was that I'm unbelievable.


"Cal, wala nga kong planong mag-register dyan.." buntong-hininga ko habang nasa library kami.


Inusog ko pabalik sa kanya ang application form na nasa lamesa.


"But why? Wala namang mawawala kung susubukan mo.." aniya. "This might be your gateway to being an astronau—"


Sinamaan ko siya ng tingin.


EternityWhere stories live. Discover now