27th

17.5K 1K 435
                                    

May nakapagsabi 



Ganito ba talaga dapat? Para 'kong nakalutang kahit wala na sya sa harap ko. Normal lang ba 'to? Pakiramdam ko kasi hinahapo ako.


Pinatong ko ang palad sa dibdib para kalmahin ang pintig. Ayos lang naman siguro. Mukhang gumagana naman sa kanya ang pakana ko. Parte naman 'to ng plano.


I bit my lip. Pinagpatuloy na lang ang lakad papasok sa loob.


Naabutan ko si Ate Maya na nakatulog na sa mahabang upuan ng munting sala. Kahoy iyon kaya't matigas. Wala man lang siyang unan. Napabuntong hininga ako bago lumapit.


I squatted beside the long wooden chair. Gumapang ang mata ko sa kamay niya. May hawak pa syang karayom na may puting sinulid. Sa kabila naman ay ang uniporme ko na natastas nung nakaraan. Maingat kong dinampot iyon at nakitang wala na ang punit sa tela.


May munting humaplos sa puso ko. Tinahi niya. Natapos niya pa bago tuluyang hilahin ng antok ang diwa.


Dahan-dahan kong niligpit ang mga ginamit ni Ate. Kumuha na rin ako ng kumot at unan mula sa kwarto. Pagkabalik ay muli akong umupo sa harap niya. Akmang kukumutan ko pa lang siya nang bahagya siyang gumalaw, nakapikit pa rin.


I stiffened when she murmured something.


"Raya.." she mumbled, her words are slur. "Aalagaan ka ni Ate.." ungot niya.


Nagbara ang lalamunan ko. Tuluyan nang naestatwa sa pwesto.


Hindi ko na maalala kung kailan ako huling umiyak. Lagi kasing pinipigil tuwing may nagbabadya. Dahil isang araw ay namulat na lang ako na wala na kong masasandalan. Ako na ang sasandalan.


Kahit sa araw na namatay ang mga magulang ay walang pumatak ni isang luha mula sa mga mata ko. Masyado kong gimbal sa nangyari. Ang alam ko lang ay nanlalamig ako noon. Namumutla. Tulala.


Hanggang sa libing ay wala akong lakas umiyak. Pakiramdam ko ay walang oras para magluksa. Nilunod ako ng takot para sa hinaharap. Kung paano na kami mabubuhay. Kung san na kami pupulutin na dalawa.


Matagal pa bago nagsink-in sakin ang lahat noon. Saka lang bumaha ng luha sa unan ko. Pasan ko ang responsibilidad na hindi ko napaghandaan. Ipinanganak na bunso ngunit kailangang tumayong panganay. Pati tungkulin ng haligi at ilaw ng tahanan ay kailangan kong gampanan.


"Raya, lumilipad na naman ang isip mo." ani ng barista.


Nabalik ako sa reyalidad at napatuwid ng tayo.


"P-po?"


Hanggang sa pagpasok sa Arabica pagsapit ng Sabado ay napapatulala ako dahil sa maraming bagay.


Bumuntong-hininga ang katrabaho ko.


"Ayos ka lang ba?" malumanay na tanong nito. "Ang sabi ko kanina, padeliver nitong mga orders sa 3rd floor. Patapos na rin naman shift mo diba? Pwede ka nang mag-out pagkatapos ihatid 'to."


Tumango ako at agad na hinubad ang apron. Kinuha ko na ang mga naihandang takeouts at binitbit palabas iyon. Puro drinks at kape lang naman kaya't kaya ng dalawang kamay ko.


Pumasok ako sa main entrance ng parehong commerical building na kinatitirikan ng coffee shop na pinagtatrabahuan ako. Bukod nga lang ang pinto sa Arabica at hindi iyon tagusan.


EternityWhere stories live. Discover now