38th

18.9K 1.1K 428
                                    

Ad Astra per Aspera



Ilang araw akong suki ng kumpanya ni Cal. Tamang tambay lang sa gusali. Panay ang nood ng mga practice. Araw-araw bumibisita. Sunod-sunod. Walang patid.


Sa bawat pagdating ko sa entrance ay palagi kong naabutan sa lounge si Cal. Ngayon lang hindi.


"I'll escort you to Division 2 in his behalf, Ma'am. May general rehearsal po kasi sila ngayon para sa Dance Concert bukas," ani ng staff na sumalubong sakin, tila inaasahan na ang pagdating ko.


"Ganun ba.." kinagat ko ang pang-ibabang labi.


Hindi ko mapigilang makaramdam ng munting dismaya. Sa pagdating at pag-uwi na nga lang kami madalas magtagpo dahil madalas ay abala siya buong araw tapos ngayon ay hindi ko pa siya naabutan.


"Opo, Ma'am.. Wag po kayong mag-alala, sasamahan ko po kayo sa taas saka sabihin niyo lang po sakin kung may kailangan kayo," mabilis na agap nito.


"Uh ayos lang.. ako na lang mag-isa," presinta ko. "Alam ko naman na ang pasikot-sikot dito.."


Sa kabila ng sinabi ko ay mariin pa ring iginiit ng staff ang pagsama sa akin. Hindi ito pumayag na hayaan akong mag-isa at nagpumilit pa ring daluhan ako. Sumang-ayon na lang din ako sa kondisyong iiwan niya na ko paghatid sa taas. Parang alanganin pa siya nung una ngunit wala na ring nagawa. Hindi ko alam kung bakit tila hirap pa itong iwan ako.


"Raya!"


Agad na tumakbo sa pinto si Chuck, isa sa mga trainees, nang makita ang dala kong takeouts para sa lahat. Sa sobrang dalas ko rito ay halos kaibiganin ko na sila.


Binatukan siya ni Alfons na mabilis ding humabol. "Anong Raya? Ate Raya nga diba! Wala ka talagang galang!"


"Tss! Ganun na rin yun mas matangkad pa nga ko dyan eh," kindat niya bago nila pag-agawan ang dala ko. Pag dumating kasi ang manager ay bawal na silang kumain non dahil sa diet na sinusunod nila.


Ginala ko ang tingin sa dance room at napagtantong wala pa si Leloush. Sinundan ko ang pitong teenagers na nagkukumpulan.


"Nasan si Leloush?" takang tanong ko, hindi kasi nalelate ang isang iyon.


"Nasa practice ng boss," ani ni Alfons habang binubuksan ang pagkain.


Natigilan ako.


"Sa rehearsal ni Cal?" paniniguro ko.


"Yup. May collab stage sila ni Miss A sa concert,"


Hindi ko alam kung sinong Miss A ang tinutukoy niya pero tuluyan nang napukaw ang atensyon ko. Tinanong ko kung saan ginaganap ang practice ngayon at wala nang sinayang na oras. Rinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko paglabas ngunit nagdire-diretso na ko sa tinutukoy na dance room.


Pagpihit ko pa lang ng doorknob sa naturang silid ay sinalubong na ko ng saliw ng tugtugin. Sa likod na bahagi ay may mangilan-ilang staff na kong namataan. Tahimik na nanonood at nakamasid. Si Leloush ay nasa kabilang dulo kaya't hindi ko na tinawag.


I quietly got myself in and carefully closed the door behind me.


Halos nakatingkayad pa ko habang naglalakad nang lumandas ang tingin ko sa dalawang nasa gitna. I froze right on my spot.


Ang naka-angat kong talampakan ay dahan-dahan nang lumapag. Nanatiling nakatunghay sa pwestong kinatatayuan. Nakatutok ang mata sa babae't lalaki sa harapan.


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon