16th

18.5K 1K 466
                                    

Likod



"Catching Stardust? The Planet Factory? "


Nakasunod sakin si Calcifer habang binabasa ang title ng mga librong dinadagdag ko sa hawak niya.


"Damn.. how can you still make time in reading these when you're already mad keen in one hell of a course?" aniya sakin.


Iirap sana ko pero pinigilan ko. Iniiwasan ko nga palang tarayan siya.


Halos isang linggo ko na ring sinusubukang hindi sya sungitan tulad ng hiningi niyang pambawi sa pagiging test patient ko. Ilang araw na rin kasi ang nakalipas mula nung practical exam.


Surprisingly, I got a really high score in the demo. Akala ko pa naman ay pumalpak ako. Para kasing naging joke time. Kaya nagulat ako nang pinuri pa ko ng guro.


"Eh ikaw?" tanong ko habang pinapasadahan ang tore ng mga libro. "How can you still make time in following me around when it's supposed to be your computer lab class?"


Heto kasi siya at nagsasayang na naman ng oras habang ang mga kaklase niya ay naroon sa harap ng mga computer. Kung ba't naman kasi laging nasasakto ang pagtambay ko sa library sa ComLab nila.


"Tss class my ass. Hindi naman nagtuturo," matabang na turan niya. "Walang prof palagi. Pinapapunta lang kami rito para umupo sa tapat ng monitor. Anong gagawin ko dun? Play solitaire?"


Nagpatuloy ako sa pag-ikot sa mga shelves. Huminto saglit nang makita ang huling hinahanap. Kinuha ko ang libro at pinatong sa bisig ni Calcifer. Tutal ay sya naman ang nagpresintang buhatin ang mga iyon.


Tinanong ko siya kung sinong prof iyon. Sa tagal ko kasi rito ay wala pa kong nagiging guro na tamad. Mabuti nang alam ko para maiwasan.


Habang nagfifill-up na ng borrower's card sa Circulation Counter ay sumulyap ako sa kanya.


"Ala-una ang meeting natin sa STS diba?" tanong ko.


"Yup." bumaling sya sa relo. "It's 12:40. Lapit na,"


Inabot ko sa staff ang ID at book card nang matapos. Habang chinecheck pa sa database ay humarap ulit ako sa katabi.


"Last class mo na ba?"


Umiling siya.


"I still have one 'til 2:30. Pero meron akong 30 minutes na vacant mula 1PM. Dito na rin naman daw sa library magkikita-kita kaya sakto." aniya tungkol sa napag-usapan sa groupchat.


Nang maverify na ng staff ay inistamp nito ang due date sa book slip bago ibigay sakin. Inabot nito ang apat na librong hiniram ko. Tinulungan ako ni Calcifer sa paglagay ng mga iyon sa tote bag.


"It's too heavy.." aniya habang pinapasok namin ang pangatlo. "Sa bag ko na lang muna ang dalawa. Kunin mo na lang pagpauwi na,"


Tumango ako. Hindi na umangal nang ihiwalay niya ang dalawa.


Bihira lang naman akong mag-uwi ng libro. Kadalasan ay dito ko na mismo binabasa tuwing may libre akong oras. Pero dahil nakatakda na kaming magkita-kita para pag-usapan ang case study ay wala akong panahon. Sa bahay ko na lang babasahin ang mga ito.


Kapag ganitong maaga ang tapos ng pasok ko ay sa library muna ko nagpapalipas bago magtungo sa trabaho. Si Calcifer naman ay mukhang mas late ang tapos ng mga klase.


EternityWhere stories live. Discover now