19th

17.9K 930 238
                                    

Hindi pinansin



Sinaway ko si Calcifer sa mga ganung patutsada niya. Kaya kami nai-issue dahil sa mga kalokohan niya! May pabulong-bulong pang nalalaman! Alam ko namang nagpapatawa lang sya pero ang dami kasing nakakakita. Pag pinagsasabihan ko naman ay dinadaan niya lang sa pangisi-ngisi. Kahit kelan talaga ang isang 'to! Puro kapilyuhan.


"Talk show style na lang!" a lively voice suggested.


Hindi pa nakuntento sa pending na case study ang guro namin sa STS at panay pa rin ang bigay ng gawain tuwing klase. Naiintindihan ko namang hindi lang project ang bubuo sa grade namin kaya wala rin kaming magagawa kundi mag-comply. Tulad na lang ngayon, may on the spot reporting kami.


"Pwede! Yung parang mala-interview!"


Ika nga ng mga kagrupo ko ay bulok na ang tradisyonal na uri ng presentasyon. Mabuburyo lang daw ang mga kaklase namin sa ganon. Walang makikinig. Kahit anong manila paper o powerpoint pa ang gamitin namin ay hindi mabenta kung magbabasa lang kami.


"Tama, okay yun. Kunwari guest yung dalawang philosophers na naka-assign satin! Si Karl Popper at Robert Pirsig,"


"Sige sige, kaso pano yan puro lalaki lang yun. Anong ganap ng girls sa grupo?"


"Asawa na lang kunwari. Tas anak yung iba. Host na yung matitirang isa,"


Dinistrubute na ang mahahalagang roles. Si Cal ang gaganap na Mr. Popper habang si Erwin naman si Mr. Pirsig. Mabilisan na lang talaga ang lahat dahil limitado lang naman ang time.


"Christa, ikaw na kay Mrs. Pirsig." assign ni Annie.


"Desisyon ka?" kontra nito. "Ayoko! Anak na lang ako,"


"Arte mo! O sya, ako na ron. Raya, ikaw na si Mrs. Popper,"


"Ha? Host na lang kaya?" wala sa sariling anas ko.


Hindi ako sanay umarte sa mga ganito. Kahit sa mga role playing namin nung high school ay panay narrator lang ang parte ko.


"Hindi na pwede! Dalawa na lang tayong babae. No choice na. Si Levi na lang ang host,"


Nahiya na rin akong umangal pa dahil naging seryoso na ang lahat sa pagpaplano. Wala nang oras para mag-inarte ngayong abala na ang grupo at paubos na ang oras.


Napuno ng tawanan ang classroom nang magsimula ang mga presentasyon. Puro kakaiba rin kasi ang mga pakulo ng ibang grupo. Miski ako ay halos maiyak sa aliw. Hindi ko nga alam kung may natututunan ba kami rito. Basta masaya.


The rest of the period was a blur to me.


Sa kalagitnaan kasi ng presentasyon ng grupo namin ay sinugod kami ng prof mula sa kabilang silid dahil sa sobrang tilian ng mga kaklase matapos akong tawaging 'misis ko' ni Cal. Hindi natinag ang klase at halos magwala pa rin. Sobrang ingay.


Malabo na ang iba sa akin. Ang alam ko lang, simula ng araw na yun, tinagurian na kaming loveteam ng section.


"Raya, san si Cal?" tudyo ng nakasalubong kong kaklase sa restroom.


Sinundot pa ko sa bewang na animo'y close kami at nasundan ng impit na tili.


"Damn, that thing is still going around?" ngiwi ni Solace sa tabi ko.


Alam niya ang tungkol don. Wala sana 'kong balak ikwento pero sa birada ng mga tao sa paligid ay nagtaka na rin si Solace kalaunan kaya't napilitan ako.


EternityWhere stories live. Discover now