25th

17.7K 1K 339
                                    

At your best



"Let's go, Raya! Baka maunahan tayo!" paspas na sabi ni Solace.


Hindi niya na hinintay pang bumaba ang driver para pagbuksan siya. Inunahan niya na ito at sumunod na rin ako. Pagkalabas ko sa kotse ay binagsak niya na ang pinto at nagpaalam na sa driver.


At first I thought Solace just really grew up being too pampered that she still has a driver even at her age. And that she probably prefers it that way. Mayaman naman siya at may pambayad kaya't ba't pa siya magpapagod. Pero nalaman kong sadyang hindi lang pala siya matuto-tutong magmaneho. Kung sya nga lang daw ang tatanungin ay dati niya pa gustong-gusto na maging malaya at mapag-isa sa bawat lakad.


Agad niya na kong hinila matapos kawayan ang driver. Bumaling ako sa kanya habang patungo na kami sa entrance ng venue.


"Maaga pa naman ah? Ba't madaling-madali ka?" takang tanong ko.


Ngayon ang basketball game nila Calcifer. Sa binigay niyang oras ng laro ay sigurado naman akong hindi pa iyon magsisimula anytime soon.


"I'm just worried na baka maubusan tayo ng nice spot. Dapat sa unahan tayo para maganda ang view!"


Hindi ko inaasahang marami na nga ang maaabutan naming tao sa loob. Tama si Solace at okupado na ang mga pwesto malapit sa mismong court. Ang mga row na nakapalibot doon ay halos puno na. Sa pang-apat na baitang na kami huminto.


Panay pa ang irap ni Solace sa mga nasa unahan habang naglalakad kami papasok sa hilerang tinigilan.


Halos masubsob ako sa likod niya nang huminto siya bigla.


"Oh, Revano's coming.." dinig kong anas niya.


"H-huh?" bahagyang humaba ang leeg ko para dumungaw.


Sinundan ko ang linya ng tingin niya at nakumpirma ang sinasabi niya. My lips parted.


Tanaw ko ang pag-jog ni Cal patungo sa direksyon namin. Naka-puting jersey na may nakatatak na Calle Nueva sa harap. Lantad na lantad ang hulma ng mga muscle sa braso. Ang gandang tignan ng medyas niyang bagay sa mamahaling sapatos. Idagdag pa ang manipis nyang sweatband sa ulo.


Bigla 'kong dinapuan ng kaba o ewan. Basta ay kumabog ang dibdib ko.


Nang makaakyat siya sa bleachers ay tinahak niya ang papunta sa amin. Pumasok din sa parehong row para makalapit. Dahan-dahang pumihit ang katawan ko paharap sa direksyon nya. His fresh scent attacked my nostrils. Medyo hinihingal pa sya nang huminto sa tapat ko.


"Hey.." he breathlessly said. "You really came.."


Manghang nakatuon ang mata nya sakin. Para bang anumang oras ay mawawala ako sa harap niya.


Napalunok ako.


I know I should say something as part of this play pretend but I suddenly can't. Hindi pa talaga ko eksperto pagdating dito.


Laking pasasalamat ko nang magsalita si Solace para talakan si Cal. Nagreklamo ito kung bakit wala na raw upuan sa unahan na para bang kasalanan iyon ni Calcifer.


Natahimik lang sya nang magsalita si Calcifer.


"There are reserved seats for you two." lantad nya. "Let's go,"


Hindi na rin ako nakapagsalita nang igiya na niya kami pababa. Solace was ecstatic behind me. Narating namin ang hilera ng mga upuan sa unang row.


EternityWhere stories live. Discover now