12th

18.1K 1.1K 504
                                    

Sayo



One thing I didn't notice at first though is that he's topless. Hindi ko iyon agad napagtuonan ng pansin kanina dahil sa mukha lang niya ang diretso ng tingin ko habang kaharap sya.


Ngayong tanaw ko ang likod niya ay saka lang nagsisink-in sakin na wala siyang pang-itaas. Lalo pa't ramdam ko ang init mula sa katawan niya kanina habang katabi syang naglalakad patungong pool.


Hindi naman na bago sakin ang makakita ng ganito. Mula sa kahit anong edad, lahat yan ay nakita ko na habang nagtatrabaho rito. Gusto kong isiping sanay na 'ko.


Kaya hindi ko alam kung bakita kumakapit ang tingin ko sa likod niyang matikas ang pagkakadepina pati na ng hati sa gitna.


Nang akmang haharap siya ay agad kong iniwas ang mata bago niya pa man mahuli ang pagkakatitig.


Dinirekta ko na lang ang tingin sa pool bago tumikhim.


"Wala ka bang kahit anong background sa swimming?" tanong ko.


Hindi siya agad nakasagot. I heard him clear his throat.


"Yeah.."


Bumaling ako sa kanya. Habang siya naman ay hindi mapirmi ang mata.


"Kung ganon, hindi ka talaga marunong lumangoy? Bakit hindi ka pumasok sa swim school nung bata ka pa?"


Halata namang mayaman siya at kayang-kaya ng magulang niyang i-enroll siya sa kahit anong academy.


"May interview ba talaga pag-first day rito?"


Natigilan ako. Umangat ang kilay niya. Nilihis ko ang tingin at lumusong na lang sa tubig.


"Tinatanong ko lang para alam ko kung ano ang dapat ituro sayo.." matabang na turan ko.


"Well then... teach me everything,"


Ginawa ko na lang ang gusto niyang mangyari. Nagsimula kami sa basics. Hindi ko matukoy kung fast or slow learner siya. May ilang techniques na hindi niya makuha kahit sobrang simple lang naman at paulit-ulit na ko ng turo. Meron din namang nagagawa niya kaagad bigla. Kung kelan hindi siya nag-eeffort ay saka niya nagagawa nang kusa.


Maayos naman sana ang lahat. Hindi ko lang maiwasang ma-distract sa katawan niya minsan.


"Why?" hinihingal na tanong niya nang maabutan akong pinipilig ang ulo.


Kakaahon niya lang at may mga patak pa ng tubig na tumutulo mula sa basang buhok niya.


"Huh? Wala,"


Sa lahat ng maaabutan niya ay iyon pang pinapagalitan ko ang sarili sa pagiging out of focus. I'm usually able to stay professional no matter what situation I'm in. Ngayon lang ako medyo hirap.


Paano ba naman kasi, tuwing ganitong magkalapit kami ay parang may init na binubuga ang katawan niya. Oo nga at immuned na ko sa hubad na katawan ng lalaki pero wala namang ganito ang ibang naturuan ko dati.


Tila may natural na init na nanggagaling sa balat niya. Mistulang bumabalot iyon sa paligid nya kaya't ramdam na ramdam ko rin.


Sinubukan kong ipako ang isip sa trabaho buong session. Kahit papano ay napanatili ko naman ang atensyon sa pagtuturo.


Sumampa ako sa gilid ng pool at umupo sa semento habang nakababad pa rin ang binti sa pool.


"Break muna tapos last round na," wika ko.


EternityWhere stories live. Discover now