“So, kayo na ulit?” tanong niya. Pero alam na niyang sagot dun. On-off kasi relationship ng dalawa.

“Oo Bessssssss!!!  Ang saya ko!!! Naalala nito birthday ko.”

“Oo nga eh… sa sobrang saya mo, ni hindi mo man lang ako tinawagang cancelled na pala ang lakad natin. Para akong ewan dito ano," pangongonsensiya n Ana.

Kasi ba naman, sobrang depressed si Chichi kahapon. Birthday daw nito kinabukasan, which is today nga, pero hindi pa rin sila bati ni Charles. Inaya siya nitong pumunta sa Paradise for her birthday. She said a big NO at first dahil hindi siya talaga ang tipo ng taong pumupunta ng bar. Pero dahil nga birthday ng kaibigan, napilit siya nito. Iyon na lang daw birthday gift niya kasi dito, ang samahan itong magcelebrate ng birthday nito sa Paradise.

Tapos ngayon, biglang pinagpalit na siya kaagad nito kay Charles. Hay, nasayang lang talaga oras niya sa pagpunta sa Paradise.

“Bes…..sorry na…. hindi ko naman sinasadyang makalimutan kang tawagan.” Damang-dama niya ang guilt sa boses ni Chichi. Nakonsenisya tuloy. Hala, bakit siya pa ang nakokonsensiya ngayon?  Bigla kasi niyang naalalang birthday nga pala ni Chichi ngayon at dapat lang na maging masaya ito sa araw na iyon. Kahit na di pa rin siya pabor kay Charles para kay Chichi, kung si Charles ang makakapagpasaya sa bestfriend sa birthday nito, eh di sige.

“Sige na nga. I forgive you," buntong-hiningang wika niya. “Pero next time talaga, kahit ano pang mangyari, sabihan mo naman ako please na cancelled lakad natin. Okay?”

“Oki doki! Bait talaga ng best friend ko!” pambobola pa nito. “Andiyan ka na din lang sa Paradise, bakit di ka pa mag-enjoy diyan?” suhestiyo nito.

“Alam mo namang di ko hilig ang pumunta sa mga bar Chi.”

“Pinapairal mo na naman pagkamanang mo Bes. Wala naman masama sa pagpunta sa mga bar.”

“Wala namana akong sinasabing masama pumunta sa mga bar ah. Parang di mo naman ako kilala Chi.”

“Hay, kung di lang talaga dumating si Charles, eh di sana naintroduce ko na sa iyo ang buhay nightlife. Sayang!” naghihinayang na wika nito.

“That means, di talaga para sa akin ang sinasabi mong nightlife. Sige na nga Chi, bye na. Gusto ko na ring umuwi. At happy birthday ulit!”

“Sige bye! Ingat sa pag-uwi. Babawi talaga ako sa iyo next time!”

“Sabi mo yan ha! Babu!”

Pagkababa ng cellphone, saka pa lang napansin ni Ana kung saang bahagi siya ng bar napadpad. Medyo madilim kahit dahil nag-iisa lang ang poste na may streetlight doon.

Iginala nito ang mga mata sa paligid at napansin ni Ana ang isang lalaking nakatalikod mula sa kanya sa di kalayuan. Aninag ang yosing ginagamit nito kaya alam ni Anang naninigarilyo ito. Ayaw niya ng mga taong nagyoyosi. Allergic siya sa usok nun.

Well, care ko ba kung gusto nitong masunog baga nito sa kayoyosi!

“Ana?”

Gulat na napalingon si Ana sa pinanggalingan ng boses.

Ah! Kung minamalas nga naman ano? Sabay-sabay!

Hindi niya tinago ang pagkadismaya ng makitang si Owen pala iyon.

“Anong ginagawa mo dito Ana?”

“Ano ba sa tingin mo?”

“I mean, I know you don’t like going to places like Paradise?”

“People change Owen," matipid na lang na sagot ni Ana. Wala itong balak mag-explain kay Owen. Magsasayang lang ito ng laway at energy kung sakali.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Where stories live. Discover now