Chapter 28: Words I couldn't Say

Start from the beginning
                                    

Ang kaso, paano ko pala sasabihin kay Alex ang lahat? Paano ko sisimulan?

Kailngan bang ngayon na agad habang pinuputakti kami ng mga intriga o pagkatapos na lang humupa nang mga iyon?

Naguguluhan na ako. Kanina lang ay sumikdo ang puso ko sa saya tapos heto ako ngayon at naguguluhan kung ano'ng dapat kong gawin.

Ano nga ba? Saan ako dapat magsimula?

Maraming akong gustong sabihin sa kanya. Sabihin ang lahat-lahat kaya lang naduduwag ako.

Naduduwag ako at natatakot na baka kapag sinabi ko ang lahat ang totoo ay lalo lang kaming magkagulo.

Pero kailangan talaga. Kailangang kailangan talaga. Kung gusto ko siyang pagkatiwalaan niya ako sa lahat-lahat.

Dapat lang na pagkatiwalaan ko din siya at walang ilihim sa kanya.

Ngayon, determinado na akong sabihin ang lahat: ang tungkol kay Cheska, sa brooch, at ang estrangherong nakaniig niya noon at ang Andrew na pinakasalan niya ay iisa.

Alex's POV...

Hanggang ngayon ay tuliro pa rin ako at hindi makapaniwalang buntis ako. At hindi pa rin ako sigurado kung sino ang ama nang ipinagbubuntis ko.

Napakalandi ko naman para hindi malaman kung sino ang ama nang dinadala ko. Siguradong iyan ang magiging reaksyon ng iba kapag nalaman nila ang dilemma ko.

Hayy, sino nga ba? At paano ko malalaman iyon ngayon? Kailangang ngayon din ay malaman ko kung sino ang tatay nitong embryo na lumalaki sa matris ko.

Ang kaso, wala pa namang ganoong uri ng test para sa mga sanggol lalo na't dugo pa lang niyan tong nasa tiyan ko.

Atsaka hindi pa naman ako siguradong buntis nga ako, Diskumpyado pa rin ako sa resulta ng tatlong pregnancy tests.

Mabuti na ang sigurado, hindi ba?

Kaya naman pagsikat nang araw ay nagbihis ako agad para pumunta sa ob-gyne ko.

Nagpupumilit si Andrew na samahan ako kung saan man ako pupunta pero nagpumilit akong gusto kong mapag-isa.

Sana naman ay maintindihan niya ako ngayon. Gulong-gulo ako at ngayon ay may dumagdag pa na problema.

Kung sanang wala nang nangyari sa amin ng stranger na iyon ay wala na sana akong pinoproblema pa ngayon.

E di sana ay naibsan man lang ng kaunti ang bigat ng kalooban ko sa pagdating ng blessing na ito. Ang kaso, lalo lang dumagdag.

Our Song (18+ Mature)Where stories live. Discover now