Chapter 114

302 19 0
                                    






Chapter 114:






•••
•••











Tuloy-tuloy lang ang lakad namin papunta sa lugar kung saan hindi ko alam. Tss! Nauuna sina Lalisari Zubiri at Katara sa paglalakad. Sila ang naglelead ng way. Alam nila kung nasaan si Hilary kaya dapat lang na sundan sila. Nakasunod din naman sa kanila ang iba pang mga chosen witches. Sunod din sina Cylex and Eiron at kami ni Sophia ay napapahuli. Napapansin ko din na palihim nya akong tinitingnan. Ang weird din ng lintek na babaeng to, parang may gustong itanong. Kanina ko pa hinihintay na magsalita sya at itanong ang nasa isipan nya kaso wala padin. Humaba na ang nilakad namin, umabot na ata kami ng sampung o benteng minuto sa kakalakad lang, wala padin syang sinasabi. At lalong-lalo na wala pading sign ni Hilary.

Hindi talaga ako familiar sa lugar kung nasaan kame. Puro batuhan. Lahat bato ang nakikita ko sa twing napapalingon ako sa kaliwa't kanan. Made of rock din ang dinaanan namin. Mabuti nga at may daan na walang humaharang na naglalakihang bato. Hindi kagaya ng nakikita ko sa bawat gilid, halos punong-puno ng mga naglalakihang mga bato talaga.

Nasaan na nga ba kami? Paanong napadpad si Hilary dito ng mag-isa? Tss! Hindi ko din yan maitanong. May pumipigil sa bibig ko na maitanong kung 'nasaan nga ba kami'. Ewan. Parang gusto kong ako nalang mismo ang aalam. Maliban din siguro dun, ayoko ding basagin ang katahimikan. Wala akong ibang maririnig kundi ang mga tunog ng mga sapatos na suot namin. Naglilikha ito ng tunog sa mga batong maaapakan namin. Yun lang, ni walang may balak na magsalita. Sa haba na ng nilakad namin, tahimik lang kami. At alam kong ramdam din yun ng iba.

Awkward Silence... Tss!

Mahina akong napabuntong-hininga. 'May alam ka ba kung bakit ako nawalan ng malay kanina, Sophia?' kaya napagpasyahan ko nalang na kausapin ang lintek na babaeng to gamit ang Mind Communication ko slash Cognition Legvian DAW.

'O-oo...' kumunot ang noo ko. Bakit nautal sya sa pagsagot? '... Kasalanan ko kung bakit nawalan ka ng malay, Catarina...' Hindi sya nagsisinungaling. Hindi naman mahilig si sophia na magsinungaling. '... Ginamit ko ang Needles ko sayo.' tuloy padin ang lakad namin papunta sa ewan ko.

'Bakit mo naman ginawa yun?' tanong ko. Gusto ko lang malaman ang sagot. Wala din akong naramdamang galit. Hindi ko kayang magalit kay Sophia. Naiinis lang, pero hindi galit. Tss!

'Para sa kalagayan mo, Catarina...' medyo natigilan ako ng konti. Hindi ko lang pinahalata. Parang... Hindi yan ang dahilan sa tinanong ko.

Hindi ko na ulit sya narinig pang magsalita. Tumitig nalang ulit ako sa harapan. Sa harapan kung saan tanging likod lang ng mga nauuna ang nakikita ko. At isang daan na gawa sa bato na sa tingin ko ay walang hanggang dulo ata to. Tss! Sa haba ng ng nilakad namin, hindi ko alam kung may hangganan ba ang daan nato.

Sa gitna ng paglalakad namin, narinig ko ulit ang boses ni Sophia sa aking isipan...

'... Nasasaktan ako... Kapag nakikita kitang nasasaktan din Catarina...' medyo natigilan nanaman ako, hindi ko lang ulit pinahalata. '... That time... I was scared... Hindi ko alam ang gagawin ko. Iam your bestfriend. Pero...' hindi ko mapigilang mapangiti ng konti. '... Wala akong nagawa kundi ang panoorin ka lang.' habang tumatagal. Nakikita ko ang ibang side nya.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now