Chapter 79

320 27 0
                                    








Chapter 79:



•••
•••



Kakatapos lang naming kumain sa Cafeteria. Naka 20 Minutes Break nadin kame. Kaya nag-umpisa na kaming maglakad ngayon papuntang building namin. Pero hindi pa man kame nakarating dun ay agad kaming napatigil dahil may nakita kaming nagtutumpukang mga studyante, malapit sa... Main Gate?

"Anong ginagawa nila dyan?" naguguluhang tanong ni Eiron.

"Tara! Puntahan natin!" sigaw ni Jessel. Nauuna syang naglakad papunta dun.

"Jessel!..." seryosong pigil sa kanya ni Cylex. Kaso hindi nya pinakinggan. Kumaway lang sya samin ng patalikod. "... Damn that girl." bumuntong hininga nalang kaming Apat. At wala na kaming nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya. Tss!

"Maiden Ria! Help!" rinig kong sigaw. Malapit-lapit na kame sa nagkukumpulan na rinig na rinig ko ang mga bulungan ng ibang mga studyante.

Nagtaka din ako nang hindi ko naman to nakita sa weirdong panaginip ko. Walang ganitong nangyare. Dahil matapos naming kumain sa Cafeteria, ay sabay-sabay na kaming pumasok sa 'Power Control' Class. Balik Class nanaman kame kay Maiden Fria. Tss!

Kaya nagtataka talaga ako kung bago nanaman ang eksenang to. Tss! Lagi naman tong nangyayare... Nang makita kame ng ibang mga studyante ay halos nagulat silang lahat kaya napalingon na sila samin.

"R-royal Bloods..." tumabi sila kaya free kaming nakapasok.

Bumuntong hininga naman ako. Minsan, ayoko ko talaga ng ganito. Masyado silang pormal pagdating samin. Nakikita ko sa mga mata nila ang takot, pagkamangha, pagkabigla, halo-halong expression. Hindi ko alam kung required pa bang magkaganun sila? Tss!

Nang tuluyan na kaming nasa gitna nilang lahat na nakapalibot ay nakita namin si Maiden Ria. Habang may dalawang mga Nurse. Isa na dun si Nurse Freya. At dalawang Guardians na bitbit ang lalakeng walang malay at puto duguan. Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil hindi sya nakasuot ng uniform namin kaya masasabi ko talaga na hindi sya taga dito.

Hindi ko din maaaninag ang mukha nya dahil nakaharang sa mukha nya ang bangs sa buhok nya. At puro din sya dugo.

"Oh my! What the hell happened to him?" tanong ni Jessel. Pero ni wala man lang sumagot sa kanya.

"Excuse us." papaalis na sila kaya tinitigan kong mabuti ang mukha ng lalake.

Nakayuko kasi ang ulo nito. Lintek naman na bangs yan! Kalalakeng tao may bangs! Tss! Hindi ko naman sya masisi dahil hindi lang naman sya nag-iisang lalake na may bangs. Dahil pati ang lima naming kasamahan na lalake, sina Fyre, Cylex, Eiron, Ronnie at Walter ay may mga bangs din. Tss!

Pero mas nagsalubong ang dalawang kilay ko nang tuluyan ko nang makilala kung sino ang walang malay na lalakeng bitbit nila. Hindi ko nakita ang mukha nya. Dahil maliban sa nakayuko at nakaharang ang bang, ay puro din ito dugo. Pero nagkaroon ako ng pagkakataong makilala ang lalakeng yun. Dahil sa suot kwintas.

Dark Blue color Amulet ...

At isang tao lang ang kilala kong may suot na Dark Blue na color sa Amulet. Dahil nakita ko nadin to sa Weirdong panaginip ko. Punyeta! Anong nangyare sa kanya? Bakit duguan sya? At paanong andito na sya sa Lustrous Academy?

Bigla akong napatingin kay Diane. At nang makita ko ang expression ng mukha nya. Mukha tama nga ako. Tamang-tama ako sa nakita ko. Dahil sa expression palang ng mukha ni Diane. Pagkagulat, dahil sa wakas nakita nya nadin ang hinahanap nya, Pagtataka, dahil sa eksenang naabutan nya. Pagkamiss, dahil ilang araw din syang wala sya sa tabi nga. Halo-halong emosyon na hindi ko na madescribe. At konting-konti nalang maiiyak na sya.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें