Chapter 75

372 25 0
                                    


Chapter 75:


•••
•••


Maaga akong nagising. Siguro dahil to sa hindi ako masyadong makatulog dahil sa dami ng iniisip ko kagabi. Tss!

Sa weirdong panaginip ko, andami ko ding tanong na sana ay masagot na. At ganun na ganun din ako ngayon. Pero iba na ang mga tanong ko sa tanong ko sa weirdong panaginip ko.

Ohh! Diba? Ang gulo lang ng sinabi ko. Tss!

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako. Nagulat ako nang maabutan ko silang lahat dun. Ay mali, may kulang pala ng dalawa.

Si Fyre at Cylex...

At dahil sa sinabi ko sa isip ko, nang maisara ko na ang pinto ng kwarto ko ay kakalabas lang nilang dalawa sa sari-sarili nilang mga kwarto. Syempre napatingin din silang dalawa sa ibang andidito na sa sala.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang magtama ang tingin namin ni Hilary. May ngiting sumisilay sa mga labi nya. Hindi ko maintindihan pero parang nakikita ko ang happiness sa ngiti nya? Ewan. At ganun na ganun din si Diane.

"Tara na Catarina!" sabay hawak nya sa wrist ko at hinila palabas ng Royal Room. Napatigil naman ako sa ginawa nya.

Ganitong-ganito din kasi ang hobbit nya sa weirdong panaginip ko. Lagi nya akong hinihila. At parang may iba akong naramdaman ngayon sa ginawa nya. Ewan, pero parang na miss ko to.

Pero syempre hindi ko din mapigilang magtaka dahil nakangiti na sya ngayon. Hindi na sya yung dati kong napapansin na parang iniiwasan ako?

Hanggang sa sumakay kame ng Elevator. Akala ko hihintayin pa namin ang naiwan kaso pinindot nayun ni Hilary kaya nagsara. Tanging kaming mga babae lang ang andito.

Ako, si Hilary, Diane, Sophia at Jessel... Himala nadin at kasama si Jessel. Nasa likuran namin sya at hindi ko talaga enexpect na sasama sya sakin. Napapansin ko lang kasi simula nang pumasok kaming tatlo dito ay lagi nyang kasama ang mga lalake. Dahil ang dati nyang nakakasama na si Hilary, ay sa amin na sumasama. Kaya na Out-of-place siguro sya kaya ayun, doon na sya sa mga lalake sumasama. Tss!

Nauna kaming lima na dumating sa magiging Class namin. Si Hilary ang may hawak ng schedule. Pero hindi muna kame pumasok, hinihintay pa namin ang Limang naiwan pa. Tss!

Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makita ko na silang naglalakad palapit samin. Tumama kasi yun kay Eiron at may kakaiba sa ngiti nya. Kagaya ng ngiti ni Hilary. Ano nanaman ba ang nasa isip ito? Napapansin ko lang ang ngiti sa mga labi nila pero hindi ko maexplain ang sa likod ng ngiting yun. Ewan, parang kakaiba. Tss!

Si Eiron, na nakangiti. Mukha syang baliw sa ginagawa nya. Kagaya ni Hilary at Diane. Si Ronnie naman, medyo may ngiti konti ang labi nya. Si Walter naman normal face lang. Habang sina Fyre at Cylex? Salubong na ang dalawang kilay.

At ganun din ako. Tss! Hindi ko alam kung anong nasa isip nila, pero hindi din naman yan magtatagal dahil alam kong mamayang-mamaya ay may isa sa kanilang hindi makatiis na sabihin na. Tss!

"Pumasok na tayo." wika ni Ronnie. Nauuna syang naglakad. Sya na daw ang magbubukas. Pero nakasunod kame sa likuran nya.

Kasabay ng pagpasok namin, diretsyong sumara ang pinto. At sa hindi ko inaasahang pangyayare. Biglang may pumulupot sa dalawang paanan ko. Kasabay nun ay hinila yun ako, akala ko ay hihilain lang talaga yun para matumba ako. Pero pahila pala yun pataas! Punyeta!

Akala ko ay sakin lang yun ginawa, pero halos sigawan nina Hilary, Diane, Jessel, Sophia, Eiron, Ronnie at Walter ang umeecho sa buong classroom.

Nakabitay kame pabaliktad. Nasa baba ang mga ulo namin at nasa itaas ng ceiling ang mga paa namin. Nakatali! Punyeta! At dahil nakapalda kaming mga babae, baka makita yun dahil nakabaliktad kame!

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now