Chapter 94

318 22 0
                                    




Chapter 94:



•••
•••



"... Matapang lang kayo pag hawak nyo ang makapangyarihang Staff nyo..." tinitigan ko ang babaeng nagsimula sa gulong to. "... At ngayong wala ang Staff nyo... You're powerless! At dahil mahina kayo... Hindi nyo ako mapipigilan sa gagawin ko..."

Para kaming nasa gitna ng City nila kaya marami akong nakikitang mga taong tumatakbo na paalis. 'Commoners' ata ang tawag sa kanila. Yun ang narinig ko sa kanila.

"... I will destroyed this city! Babawiin ko ang kinuha nyo samin!." galit na galit nyang sigaw. Kaya naagaw niya ulit ang atensyon ko.

Teka! Naalala ko ang sinigaw ng babaeng Light-Yellow Hair kanina. 'Enchanter'. So isa tong enchanter ang babaeng nanggugulo ngayon? Saka 'Babawiin ko ang kinuha nyo samin' yan ang isinigaw ng babaeng Enchanter. Ehh? Akala ko ba tapos na ang WAR nila dahil pinaghalo-halo ng mga unang makapangyarihang Wizards ang Olympia Cards. So bakit sa tunog ng boses nya, sinasabing hindi pa tapos? At babawiin nya pa ang nasimulan nila? Punyeta! Ang gulo.

Pero sa bagay naman. Wala nga palang sinabi sakin si Etherious Lexer kung tapos na nga ba ang away sa pagitan ng Enchanters and Wizardry dahil ang tanging narinig ko lang ay NAWALA na parang bula ang mga makapangyarihang Wizards noon. So walang nakakaalam kung natapos nga ba ang WAR.

"Hindi mo kayang wasakin ang lugar nato... Nicole!..." mula sa malayo, ay isang babaeng kararating lang ata dahil medyo hinihingal pa ito. "... Nag-iisa ka lang..." tinitigan ko ang babaeng naglalakad ngayon palapit sa babaeng Enchanter. Seryosong mukha ang makikita ko sa kanya. "... Marami kame..."

'Nicole' ata ang pangalan ng lumulutang na babaeng Enchanter dahil yun ang isinigaw ng babaeng kararating lang. Hindi lang sya nag-iisa, dahil may kasama sya. Dalawa pang babae.

"... Sinasayang mo lang ang oras mo sa kakasigaw..." tumigil sya ng nasa harapan nya na ang babaeng Nicole. Syempre nakatingalan sya dahil nasa ere nga ang babaeng Enchanter na si Nicole. "... Oo, mahina nga kame dahil hindi namin hawak ang staff namin... Pero hindi namin kailangan ang staff para talunin ka."

"Rhea..." rinig kong mahinang wika ng babaeng Enchanter na si Nicole. Medyo mahina, pero dahil malakas ang hangin dahil gabi na, narinig ko. Dahil malakas ang hangin ngayon dahil gabi na, para bang tinangay ng hangin ang sinabi nya at dumaan yun sa akin kaya narinig ko ang sinabi nya.

"May kapangyarihan kame na walang sino man ang kayang sumira... Kahit na ikaw..."

Rhea...

Bakit Familiar sakin ang Name nya?

"... A power of friendship." dagdag nya.

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Where stories live. Discover now