Chapter 76

343 29 0
                                    





Chapter 76:





•••
•••







Natapos na ang Fighting Lesson namin kay Maiden Qua. Diretsyo kaagad kaming lahat sa Cafeteria. Mukhang nasasanay nanama ang ilang kumakain dun sa araw-araw naming pagpunta dito kaya hindi na sila kagaya ng dati na OA kung makareact. Tss!

Doon padin kaming sampu sa dati naming upuan nina Hilary, Diane at Vincent sa weirdong panaginip ko. Na ngayon hindi nalang kame apat, kundi sampu na talaga. Kaming sampung mga Royal Bloods.

Well, maliban sa isa samin. Dahil alam ko na may isa saming sampu ang hindi talaga pure Royal Blood. Dahil hindi sya isang anak ng Royalties. Tss! At parang nalungkot naman akong isipin yun, dahil sa oras na malaman nya ang katotohanan sa likod ng pagkatao nya? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko para hindi sya umiyak ng umiyak. Hayystt!

Kanya-kanya kami ng order lahat. Kagaya padin ng dati, tahimik parin kaming kumain. Well, mali pala ako. Dahil alam nyo namang may mga kasama kaming makakati ang bibig. Tss!

"Ehemmm!..." nagtaka ako nang tumikhim si Jessel. "... May dapat ba kaming malaman tungkol sa inyong dalawa?" napatigil ako sa pagkain sa tinanong nya.

Salubong ang kilay kong tiningnan si Jessel.

"Anong dapat nyong malaman?" kunwari naguguluhan kong tanong. Pero sa totoo lang? Punyeta! Bakit parang sa tingin ko ay alam ko kung anong ibig sabihin ng tanong nya? Ni Jessel.

So kung tama nga ako, kung tama nga ang hinala ko. Paanong alam nila? Punyeta naman! Wala sa isip ko na sabihin sa kanila yun. Pero mukhang mapapasabi ako sa oras na sabihin nya ang tinutukoy nya!

"Na soon to be husband and wife na kayo! Ihhh-" hindi natapos ni Hilary ang sasabihin nya nang tinakpan ni Eiron ang bibig nya.

"Hilary!" pigil ni Eiron. Napakurap naman ako ng tatlong beses.

'Na soon to be husband and wife na kayo!...'

'Na soon to be husband and wife na kayo!...'

'Na soon to be husband and wife na kayo!...'

Punyeta! Sinasabi ko na nga bang alam nila! At tama ako. Pero teka! Paanong alam nila? Paanong may alam sila? Eh sa pagkakaalam ko kay Sophia ko lang yun sinabi?

Tiningnan ko sila isa-isa. Si Eiron na takip padin ang bibig ni Hilary. Hindi nakaligtas sakin ang pagaalinlangan ng ngiti nya sakin. Si Jessel na nakapatong ang dalawang kamay sa mesa habang nakatingin sakin. Mukhang hinihintay ang isasagot ko. Punyeta!

Si Walter at Ronnie naman ay nakatingin na sakin. Mukhang hinihintay din ang sasabihin ko. Habang sina Fyre at Cylex? Ayun tuloy padin sa pagkain. Punyeta! Bakit parang nacenter of question and answer ako? Wag naman sanang umabot dun. Tss!

"We're waiting Catarina." wika ni Jessel. Tiningnan ko ang mesa nya, tapos na syang kumain. Ang bilis naman ata. Tss!

'Sinabi mo ba sa kanila?' tanong ko kay Sophia gamit ang isip ko. Nilingon ko sya, at ayun ang lintek na babae, tuloy padin sa pagkain. Tss!

'Nope...' binalingan ko na ulit nang tingin sina Jessel, Hilary at Diane na mukhang silang tatlo ang excited na marinig ang sagot ko. Tss! '... At kung itatanong mo kung sino? Tch! I think that three idiots who act as a child.' dugtong nya.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant