Chapter 73

354 23 0
                                    









Chapter 73:










•••
•••






Ilang minuto ang nakalipas. Hinintay ko ang magiging cignal bago ako tatayo. Kaya nang dumating nayun. Bagsak na ang tatlong serpents at hinihingal na sila. Ginamit ko kaagad ang Light Teleportation ko. At alam kong nagulat sina Sophia at Diane sa biglaang pagkawala ko.

Namalayan ko nalang na nasa isa ako sa mga table dito. May ilan kasi akong nakikitang wooden table. At ganitong-ganito din ang nasa weirdong panaginip ko. Tss! Napangisi ako ng makita ko si Maiden Pia na parang dwarf. Tss!

Kahit maliit sya ay kitang-kita ko ang gulat na gulat nyang reaction. Alam kong kanina nya pa kame pinapanood. At alam kong mukhang napansin nya ang biglaang pagkawala ko at ang pag exist ko sa harapan nya.

Kaya nyang gawing maliit ang sarili nya. Hindi lang ang sarili nya. Kahit anong bagay ay kaya nyang gawing Maliit o Malaki man. Tss! Yan ang Ability na meron si Maiden Pia. Kaya hindi namin sya nakikita dito sa loob ng classroom dahil ginawa nyang maliit ang sarili nya.

"Hello Maiden Pia." bati ko sa kanya. Walang halong ngiti man lang. Same expression padin ako sa twing nagsasalita. Parang walang gana? Ganun. Tss!

Sa isang snap palang ng kamay ni Maiden Pia ay bigla na syang bumalik sa dating laki nya. Tss! Pinagpagan nya ang suot nyang damit sabay tingin sakin na may halong pagtataka. Alam ko ang nasa isip nya.

"Aaahhhhhhhhhhh!!!!!" umalingaw-ngaw ang boses ni Hilary sa buong classroom.

Nang mapalingon ako ay buhay na pala ang tatlong Serpents. Tss! Mukhang inaasahan ko nanaman to kaya hindi na ako nagulat.

Aatake sana ang serpents kay Hilary dahil sa sigaw nya. Nainis ata ang ahas sa lakas ng boses nya. Tss! Kaso hindi natuloy dahil sa Whistle ni Maiden Pia. Kaya ang tatlong malalaking serpents, sa isang iglap ay naging maliit. Ginawa nya maliit ang mga serpents nya.

Inaasahan ko nanaman din to. Dahil ganitong-ganito talaga sa weirdong panaginip ko. Ang pinagkaiba ngalang ay doon huli na nang malaman ko ang Magic na meron si Maiden Pia. Pero dito ngayon, advance na ako. Tss!

"Nurse Freya?!" gulat na gulat nilang wika.

Nagulat kasi sila sa biglaang pagpakita ni Nurse Freya sa harapan namin.

"A-ano pong ginagawa nyo dito nurse freya?" nagtatakang tanong ni Hilary. Napakamot naman ng batok si Nurse Freya sa tanong ni Hilary.

"Ahh... Hehehe... Binabantayan ko ang alaga ko." sagot naman ni Nurse Freya.

"Alaga nyo po?" nagtataka pading tanong ni Hilary.

"Hmm." si Nurse Freya ay isa sya sa may Healing Ability. Naka assign sya lagi sa Infirmary Room namin. Kaya nagtataka talaga sila kung bakit andito si Nurse Freya.

"Sino?" sa weirdong panaginip ko. Kaya andito si Nurse Freya para bantayin ang Alaga nya. Na which mean ay si Maiden Pia.

Oo, alaga ni Nurse Freya si Maiden Pia. Nasaksihan nya ito sa paglaki. Parang kapatid nadin ang turing ni Nurse Freya kay Maiden Pia.

"Si Pia." sagot ni Nurse Freya.

"Si Maiden Pia?!..." napalingon si Jessel sa babaeng katabi ko. At gaya nga ng nasa panaginip ko. "... You bitch! Gusto mo ba kaming patayin!?" sigaw ni Jessel kay Maiden Pia.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now