Chapter 102

336 25 2
                                    













Chapter 102:






•••
•••







Nagtaka ako nang hindi man lang gumana yung Healing Magic ko. Pero may naalala ako...

'Kinuha ni Henrald yung kaluluwa nya...'

Naalala ko yung sinabi ni R.

Henrald...

'So The Strongest Sorceres did this to him?...'

Naalala ko din yung sinabi ni Bloody Red Hair...

Strongest Sorceres...

'One of the Strongest Sorceres did this to him...'

Naalala ko din yung nasa Smaragd City kame. Narinig ko ang pangalan nayan sa babaeng... Ririna?

Henrald Springfield...

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi gumana yung Healing Magic ko. Kasi hindi naman pala isang oridinaryong Magic na naging dahilan kung bakit nagkaganyan si Keith.

May Kapangyarihan si Henrald Springfield na kumuha ng buhay na kaluluwa.

Possible bayun? Eto kasi yung unang pagkakataon na makarinig ako ng ganyang klaseng kapangyarihan. Ngayon lang ako nakarinig na ganyan. Tss!

Tinitigan ko ang walang malay na si Keith. Huminga muna ako ng malalim. Kung nagawa ko na to noon kay Walter, possible na gagana din to ngayon kay Keith.

Rehabilitate...

Naramdaman ko ang pag-iba ng kulay ng Lenses ko. Crystal White. Naramdaman ko din ang pag ilaw ng kamay ko na nalagaya sa gilid ng leeg ni Keith. Eto nadin yung pangalawang pagkakataon ko na ginamit ko ang ganitong klaseng Magic ko.

Naramdaman ko yung naramdaman ko nung una ko tong ginamit. Parang hinihila yung kapangyarihan ko. Na naging dahilan din nun ang biglaang pagbukas ng mga mata ni Keith. At  sobrang lalim ang bawat paghinga.

Para syang isang taon na hindi nakakahinga. Parang galing sya sa ilalim ng tubig kaya matagal syang nakakuha ng hangin.

Napansin nya kaagad na hindi lang sya nag-iisa kaya napaupo sya kaagad. Sabay titig sakin at nagulat sya ng makita ako. Gusto ko namang matawa sa reaction nya.

Nilingon nya din yung iba pang nandito. Nagulat din sya ng makita si Sophia. Ganun din sina Hilary and Diane. Na alam ko na kahit hindi ko pa sila naipapakilala sa kanya, ay kilalang-kilala na niya ito. Tss!

Sya pa ba? Tss!

"H-how..." nahihirapan padin sya sa pagsasalita. "... Paanong... Napunta kayo dito?" tanong nya. Nginitian ko naman sya.

'Yan din nga yung tanong ko...' ginamit ko sa kanya yung Mind Communication. '... Bigla nalang kaming napadpad dito. Keith.' And yes, isa din si Keith sa mga nakakausap ko gamit yung Mind Communication Magic-Ability ko.

O mas kilala ata nilang Cognition Levian...

Nakaramdam ako ng pag galaw sa lupa. At mukhang hindi lang ako ang nakaramdam nun dahil pati ang ibang mga andidito ay naging alerto. Parehong nagtaka sa biglaang paggalaw ng lupa. Maliban pala sa dalawang tao, na ang isang ay hindi ko pa kilala.

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें