Chapter 124

432 22 16
                                    




























Chapter 124:























•••
•••



































"Catarina!"

Susupportaan ko pa sana ang sarili ko nang mapasigaw ako dahil wala akong naaapakan. Mabuti nalang at may taong sumalo sakin bago ako tuluyang mahulog. Ganun na ba talaga kalayo ang pagkakalipad ko at dito talaga ako sa bangin napadpad? Tss!

"Do you know the phrase 'When youre fighting on your opponent. Face them.'."

Mabilis akong humiwalay sa kanya bago pa man tatama samin ang lumilipad na espada ni Drac Stein. Kanina Isa lang to bakit dumami na? Tss!

"Multiple Daggers!..." sinummoned ko din ang Sampung daggers ko at pinalipad yun papunta sa kanya. Malayo ang naatrasan nya dahil sunod ng sunod lang sa kanya ang mga daggers ko. "... Salamat." wika ko nang hindi ko sya nililingon.

"Slow as always..." nagulat ako nang nasa likuran ko na kaagad si Drac Stein. Mabilis ang naging galaw nya kaya huli na ng mapalingon ako doon.

Napabuga ako ng tubig sa aking bibig. Nang makita ko ito ay natigilan ako. Dahil hindi lang sya Isang simpleng tubig. Kulay pula ito. At sa bibig ko mismo ito nanggaling.

"... I told you. I will kill you first, Immortal." rinig kong bulong nya sa tenga ko. Mas lalo nya itong diniinan kaya napasigaw nalang ako sa sakit.

Drac Stein...

Bakit parang may mali kanina? Alam ko sa sarili ko na kaya ko itong lingunin. Kaya ko itong sanggain. Kaya kong gamitin ang Teleportation at Barrier ko bago pa man nya ako masaksak. Kaya kong mabasa ang magiging galaw nya sa oras na makapasok sya sa radius ko. Gaano man sya kabilis, ay makakaya ko itong pantayan. Pero bakit hindi ko man lang naramdaman? Bakit wala akong kaideya-ideya na nawala na pala sya sa paningin ko? Bakit hindi ako nakagalaw? Umalis? Punyeta!

May mali talaga sa kanya!

"You'll pay for this."

Bigla nyang hinila ang kanyang espada. Nakadalawang sigaw na ako. Napaluhod naman kaagad ako sa lupa.

Anong meron sa espada nya at bakit hindi na ako makagalaw?

"This is what I've been waiting for." masakit man ay pinilit kong tingnan sila.

"I told you not to hurt her..."

Fyre...

"... Dracula Albert Einstein."

Kasabay nang pagtama ng malakas na kidlat sa kinatatayuan ni Fyre, ay bigla nalang syang nawala sa paningin ko. Sa bilis ng pangyayare, lumipad na palayo si Drac Stein dahil sa kagagawan nya. Hindi pa sya nakontente, hindi pa nga nakakatayo si Drac Stein ay sinunggaban nya ulit ito ng malakas na suntok. Kitang-kita ko ang Electriciting dumadaloy sa kamao nya. At sa sobrang lakas ng pagkakasuntok nya, ay lumubog sa lupa si Drac Stein.

Akala ko ay hanggang dun lang ang gagawin nya pero sinuntok nya pa ito kahit bagsak na si Drac Stein sa lupa. Ramdam na ramdam ko ang galit nya sa bawat pagsuntok nya. Diin na diin. Kuyom na kuyom. Sinabayan nya pa ito ng malakas na kidlat sa kinaroroonan nilang dalawa. What the-

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now