Chapter 90

341 21 0
                                    



Chapter 90:




•••
•••




"The Book of Pollux... Lustrous Academy... The Secret School of Magic... Pag nabuksan at nabasa mo ang nakasulat sa first page nayan... Doon natin mapapatunayan na isa ka sa Descendant nila..."

The Book of Pollux...

Lustrous Academy...

The Secret School of Magic...

Pag nabuksan at nabasa ko ang nakasulat sa unang pahina ng libro na tinutukoy nya, ibigsabihin doon lang malalaman?

Teka! Lustrous Academy? The Secret School of Magic? What the!—Yung libro ba na nasa akin ang tinutukoy nya?!

"Catarina..." bumalik ako sa realidad dahil sa boses ni Sophia. "... Lets go? May next class pa tayo..." tiningnan ko ang ibang kasama ko at lahat sila ay nasa pintuan na.

Punyeta! Ganun na ba ako katulala? Ni hindi ko man lang napansin na nakaalis na pala si Maiden Ria. At kung titingnan ko, mukhang ako nalang talaga ang inaantay nila. Tss!

'... Wag mo munang isipin ang tungkol sa sinabi ni Maiden.' sinabi nya yan sa isip ko. Napangiti nalang ako ng tipid sabay lakad ko papunta sa kanila.

Nauuna silang naglakad papunta sa susunod na klase namin. Nasa pinakahuli kame ni Sophia. Nasa unahan naman namin sina Hilary at Diane na tahimik lang habang naglaLakad.

Weird. Hanggang sa Goddessess lang kame. Ni hindi ko narinig ang tanong nina Jessel at Hilary na kung saan doon nag-umpisa na mali ang nasa libro. Ni hindi kame umabot doon parte kung saan kinurse ng mga natitirang goddess si Andromeda dahil sa kasalanan na binasag nya ang Diamond Pearl. At ang pagiging Half-sister ni Andromeda at Kassiopeai.

Hindi kame umabot dun dahil napalitan na ng mas maaga ang takbo sa kwento ni Maiden Ria. Napag-usapan ang tungkol sa descendant. At hindi ang tungkol sa pagbasag ng Diamond Pearl.

Pero gusto ko pading marinig ang tungkol sa kwento nayan. Maraming nagbago kaya hindi impossibleng pati ang kwento sa Heaven Realm ay nagbago din. Na tama na talaga. Hindi na mali.

"Woyy! Buksan mo na Ronnie!" bumalik ako sa realidad dahil sa lakas ng boses nayun ni Eiron.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, ni hindi ko namalayan na andito na pala kame sa pinakadulong pintuan dito sa Fifth Floor. Sa Fifteen ClassRooms na andito sa Fifth Floor Class Building namin, ay napasok na namin ang sampu. Kaya Lima nalang ang natitira.

"Aba! Sinuswerte ka Eiron! Ako inuutusan mo?!" ganti ni Ronnie.

Sa pagkakaalala ko, kaya sila takot na pumasok dahil nga baka maulit ang nangyare kay Professor Cai. Tss! Hindi lang din dahil alam mismo namin ang takbo ng utak ng mga Maidens. Tss! May pa grand-welcoming-effect pa sila.

"Malamang! Sino bang malapit dyan sa pintuan? Diba ikaw?" ganti din ni Eiron sa kanya.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now