Chapter 82

326 23 0
                                    







Chapter 82:





•••
•••


Ano daw? The Legends of Ice Fox? Demi-Goddess? Bakit parang wala ata akong narinig tungkol dyan? O nabasa man lang? Tss! Itiniklop ko nalang ulit ang libro. Saka lumabas na ako ng library ko.

Naweiweirduhan lang ako sa nabasa ko. Tss! Lumabas na ako ng kwarto ko at halos nagtaka ako ng nasa sala sina Hilary, Jessel, Sophia at Diane na mukhang nag-uusap. Natahimik lang ata sila ng makita nila akong lumabas.

"Oww! She's here..." wika ni Jessel na sabay talaga silang apat na tumayo. Ayy! Maliban pala kay Sophia na mukhang bored na bored. "... So tara na?" nagtaka naman ako sa sinabi ni Jessel.

"Tara na! Heheheh." masayang wika nina Hilary. Minsan, hindi ko maintindihan ang mood ni Hilary. Tss!

"Teka! Saan naman tayo pupunta?" nagtataka kong tanong. Tumaas naman ang kilay ni Jessel.

"Dzuhh! Sa Training Room. Magtratraining tayo sabi ni Duchess Hina." napakurap nalang ako ng dalawang beses sabay tango.

Wala kaming klase ngayon. Pero may training kame. Masyado ngalang maaga. Tss! Sabay-sabay naman kaming Apat na inakyat ang 10th Floor gamit ang Elevator. Sa weirdong panaginip ko ay ganito din ang nangyare, pinapunta kame ni Duchess Reina sa Training Room namin para isanay na ang mga Magic na meron kame.

Kaso dito sa realidad. Naiba na. Dahil hindi na si Duchess Reina ang nagpatawag samin, kundi si Duchess Hina. Teka! Related kaya si Duchess Reina and Duchess Hina? Eh wala namang nasabi si Duchess Reina sa weirdong panaginip ko tungkol sa mga kapatid nya?

And speaking sa mga kapatid nya. Maliban sa kilala naming lahat na nag-aaral dito si Duchess Reina. Maliban sa pangalan at title na meron sya. Ay wala na kaming alam pa tungkol sa kanya. Hindi siguro namin alam lahat tungkol sa totoong pagkatao nya, kung kanino sya nanggaling. Anong middle name nya. Anong Magic na meron talaga sya. Maliban sa kaya nyang gumawa ng Magic Portal dahil ibang level na ang magic na meron sya. Wala akong alam sa totoong pagkatao nya.

Bumalik ako sa realidad ng tumunog na ang Elevator. Hudyat na nasa 10th Floor na kame. Sa sariling Training Room Building naming mga Supreme Class.

Nakita namin si Duchess Hina. Na parang kanina pa ata kame inaantay. Nakangiti sya. Andun padin ang kakaiba nyang ngiti. Kung ngiti nya lang ang titingnan ko, ang mga labi nya lang. Parang nakikita ko ang ganun din na ngiti ni Duchess Reina. Tss!

"Royal Bloods..." sabay-sabay kaming huminto nang tatlong metro nalang ang layo namin kay Duchess Hina. "... You will do a Battle Versus..."

Teka! Sa pagkakaalala ko din sa weirdong panaginip ko ay talagang may nangyareng ganito din. A 'Battle Versus'. Ang ipinagtataka ko ngalang ay si Duchess Reina ang nagsabi sa weirdong panaginip? Eh bakit si Duchess Hina na?

Tss! Kakasabi ko lang diba na mag-kaiba ang Dream sa Realidad? Kaya malamang nag-iba na talaga. Tss!

"Girls vs Boys." at mukhang tama nga ako. Tss!

Nag-iba ang itshura ng Training Room namin. Mga bermuda grass ang nakapaligid samin. Para lang kaming nasa malawak at malinis na field. Na puro may mga magagandang grass. Masarap langhapin ang hangin. Sariwang-sariwa talaga. Kagaya din ng nasa weirdong panaginip ko.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now