Chapter 112

313 23 5
                                    










Chapter 112:






•••
•••






















<• CATARINA CLAES POV •>








Bigla nalang syang nawala sa paningin namin. Sabay kaming napatayo ni Eiron. Huli na ng matawag ko ang pangalan nya. Ganun din si Eiron. Napatayo na din si Sophia nang makita nya ang pag-aalala sa mga mata ko. Gumamit si Hilary ng Teleportation! Punyeta!

Pinakiramdaman ko ang presensya nya. Nasa loob pa sya ng Academy nila... Kaya ginamit ko din ang teleportation ko para makalabas sa kwartong to. Panandalian ko munang ipinikit ang mga mata ko. Ibinuka ko lang nang maramdaman ko na bumalik na ito sa dating kukay.

'Susundan ko si Hilary.' paalam ko kay Sophia bago ako nawala sa paningin nila. Nakatayo na kaagad ako a hindi familiar na lugar sakin. Malamang! Nasa ibang Realm ako. Nasa mundo ng mga Witch. Tss!

Pahakbang palang ang mga paa ko nang may humawak sa balikat ko. 'Catarina...' Nilingon ko kaagad si Sophia. "... Sasama kami." nagtaka kame sa 'Kami'. Saka ko lang naintindihan nang makita ko sina Eiron and Cylex sa likuran nya.

Napabuntong-hininga ako. "Okay." sabay talikod ko sa kanila. Nauuna na akong naglakad. Nakasunod naman sila sakin. May nakakasalubong din kaming mga ibang Studyante dito sa Witch Academy. Halos naweweirduhan padin ako sa inaasta nila. Lahat ay napapatingin nanaman sa amin. Lahat natitigilan. Pati yung nasa himpapawid ay napapahinto sa paglipad ng Magic Broom nila.

Lumipas na ata ang mahabang minuto sa kakasunod ko sa presensya ni Hilary. Hindi ko sya nakikita, pero nararamdaman ko ang presensya nya. Kung gagamitin ko ang Hearing Senses Magic Ability ko, maririnig ko ang heartbeat nya at mararamdaman ko din yung location nya. At pag gumamit ako ng Teleportation, dadalhin nito kaagad ako sa kanya. Kaso hindi ko ginawa. I mean Ayokong gamitin. Dahil magpapalit ng kulay yung lenses ko pag gumamit ako ng Magic. Makikita ito ng ilang studyante na nakakasalubong namin. Ewan ko din sa sarili ko kung bakit ayaw kong makita nila, basta! Ayaw ko lang talaga.

Napahinto kaagad ako sa paghakbang nang hindi ko na maramdaman ang presensya ni Hilary. Pero... May kakaiba akong naaamoy... Isang amoy na matagal ko nang gustong maamoy sa 'kanila'. Isang kakaibang amoy... Amoy ng isang dugong Witch! Kay Hilary!? Maraming mga Witch'es na andidito. Naaamoy ko din sa kanila ang dugong Witch. Pero iba ang kay Hilary... Mas malala... Ewan... Mapapansin ko talaga ang kaibahan ng mga amoy nila. Matalas ang ilong ko sa ganitong bagay. Bata palang ay sinanay na din ako ni Minerva dito.

Pero... Paanong alam ko na kay Hilary nanggagaling ang kakaibang amoy na iyon? Bakit sinasabi ng puso ko na sa kanya yan? At lalong-lalo na... Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ko pa naamoy yan? Bakit hindi pa noon? Sa weirdong panaginip ko.

'C-catarina...' nagtaka ako sa pagka-utal sa boses ni Sophia nang binanggit nya lang ang pangalan ko. '... Yung magiamulet.' diretsyo kaagad akong napaharap sa kanila. Nagsalubong kaagad ang dalawang kilay ko nang makita ko ang umiilaw sa leeg nya. Ang Magiamulet nya.

"Hey! Catarina. Nararamdaman mo pa din ba si H-hilary?" tanong ni Eiron. Alam kong napansin nilang dalawa ni Cylex ang pag-ilaw ng suot na kwintas ni Sophia. Kaso parang nakay Hilary parin talaga ang focus nila. Isinawalang bahala nila ang pagtatanong tungkol sa ibigsabihin ng pag-ilaw sa kwintas ni Sophia.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now