Chapter 98

297 22 0
                                    











Chapter 98:











•••
•••















Natigilan naman sya sa ere. Gulat na gulat ang expression ng mukha nya. Pero ilang saglit lang, ay napalitan ito ng isang kakaibang ngisi. At nagulat nalang ako sa susunod na nangyare.

Dahil pareho kame ng Magic ay nagawa nyang pigilan yung magic ko. Nagawa nya ulit gawin ang gusto nya. Kaya ang akala ko ay tatama na sana yung Black-Spear nya sakin ay namalayan ko nalang yung sarili ko na umatrad bigla.

May humila sakin paatras para hindi ako tuluyang matamaan nung Black-Spear ni Hunk Marvell.

Nang matingnan ko kung sino yun ay halos nagsalubong na yung dalawang kilay ko.

"Don't ever hurt her!" may diin na may halong galit nyang sigaw kay Hunk Marvell.

Hindi ko alam kung paano nila nabasag yung Barrier...

Napakurap ako ng tatlong beses bago ako nag-iwas ng tingin sa kanya. Huminga ako ng malalim saka tinalikuran sya. Napatingin sya sakin na nagtatanong ang mga mata. Naiintindihan ko naman yun.

"Gagamutin ko lang si Walter." normal ko lang sabi sa kanya saka hindi ko na sya hinintay pang sumagot. Alam ko naman na hindi yan mahilig sa mga ganyan. Tss!

Nilapitan ko si Walter na nakahandusay sa lupa. Ramdam na ramdam ko naman na kinalaban na ni Fyre si Hunk Marvell. Hindi lang sya dahil tinulungan sya ni Cylex.

"Ate Aria!..." sigaw ni Diane sabay umupo sya sa tabi ko. "... Ano pong nangyare kay Lord Walter?" napatitig ako sa kanya.

Parang eto ang unang pagkakataon na narinig kong binanggit nya na 'Lord Walter' si Walter. Tss! Kung alam nya lang, ang pangit pakinggan.

Hinawakan ko naman sa leeg si Walter. Alam ko naman na buhay pato dahil ramdam na ramdam ko yun. Tss! Hinawakan ko lang sya leeg para makita ko kung may iba pa bang masakit sa kanya.

"Hindi ko alam Diane." sagot ko sa kanya.

Tshaka ang tanging makakaalam lang nito ay yung mga kasama nya. Eh ang tanong? Sino-sino nga saming mga Royal Bloods sa kasama nya? Dahil ako, ay sina Diane, Hilary and Sophia. So sino kina Jessel, Cylex, Fyre, Ronnie and Eiron yung kasama nya?

Ipipikit ko na sana yung dalawang mata ko nang makarinig ako ng bagong boses. "One of the Strongest Sorceres did this to him..." nilingon ko ang babaeng hindi familiar sakin ang mukha. Pero parang nakita ko sya kanina na tinulungan sina Rhea? Yung kararating lang din ng mga kasamahan kong Royal Bloods. "... Kinuha nya ang kaluluwa ni Walter." hindi ko mapigilang magsalubong ng dalawang kilay.

"K-kinuha po yung k-kaluluwa ni L—" hinawakan ko yung kamay ni Diane. Kaya natigil sya sa pagsalita.

'Hindi mo sya pwedeng tawaging Lord, Diane... Kahit Kuya Walter. Okay na.' ginamit ko yung Mind Communication Ability ko. Pero nananatili yung tingin ko sa babaeng nasa gilid namin ngayon.

"Kayo ba yung ibang kasamahan nila?" nakita kong nilingon nya sina Eiron na kinakalaban parin yung nga Immortal Hunter.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now