Chapter 110

312 20 0
                                    

あけましておめでとうございます

Akemashite omedetou gozaimasu.



















Chapter 110:









•••
•••








Gamit yung Magic Wand nilang dalawa. Gumawa kaagad sila ng Magic Portal. Nauna silang pumasok kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod nalang. Pagkatawid ko liwanag kaagad ang bumungad sa harapan ko. Hindi ko mapigilang magtaka, iba kasi talaga yung Portal nila keysa sa Portal nina Duchess Reina and Hina. Dahil sa kanila, parang tumawid lang kame sa isang pinto. Samantalang kina Duchess Reina and Hina ay hinihigop ka talaga nito, nakakahilo nang sa kanila. Tss! Mas okay pa pala sa mga Witch.

Kinukurap-kurap ko lang ang mga mata ko sa sobrang liwanag. Nasilawan ako ng sobra kaya malabo pa sa paningin ko ang buong palagid. Kaya saglit akong pumikit at dinilat ko na ito nang medyo nakikita ko na ang tanawin. Bumungad sakin ang magandang kulay ng isang dagat. Blue na blue. Maraming tumatalon na isda. Nakikita ko sa kalangitan ang isang Araw na hindi masyadong mainit at madilim. Katamtaman lang. Kung wala sana kaming pakay dito, edi sana nagkaroon pa kami ng pagkakataon na mamangha sa ganda ng lugar. Pero dahil hindi ang ganda ng tanawin nila ang pakay namin, kaya wala kaming oras para magtagal dito. May kailangan kaming kunin dito.

"So where's hilary?" biglang tanong ni Jessel. Alam kong nagandahan sya sa lugar nato, pero dahil hindi nga ganyan ang pakay namin, wala kaming oras na mamangha nalang at tumunganga sa ganda. Tss!

"Malayo pa tayo." sagot naman ni Alena Gabbi.

"What?! Malayo pa? Then why the hell did you take us here? Kung malayo pa naman tayo kay Hilary?." medyo naiinis nyang sigaw.

"Andito tayo sa Sea Lawless Gate Bridge... Isa sa mga daan patungo sa lugar kung nasaan ang kaibigan nyo..." wika nya. "... Hanggang dito lang ang makakaya ng kapangyarihan ko."

"What?!... So anong gagawin natin? Maglalakad? From where?... And Sea Lawless Gate Bridge? Whats that?" naglakad si Alena Gabbi patungo sa Asul na dagat.

"Oo... Sea Lawless Gate..." inilusob nya ang kanyang paa sa Asul na dagat. Sabay labas ng Magic Wand nya. "... Pangatlo sa Walong Gate... Makikita sya sa Kanluran..." Nag Cast sya ng Spell na hindi ko alam. Parang bulong nya lang kasi sa sarili nya. Tss! "... Ang mundo namin ay binubuo ng Walong naglalakihang Gates... Nakapalibot ito sa buong Witch Realm..." kasabay ng pagsalita nya. Bigla nalang gumalaw ang lupa. Akala ko kung ano na pero ganun nalang ang pagkamangha ko nang ang tubig ay unti-unting nahahawi. May lumabas na kakaibang bagay galing sa ilalim ng tubig.

Unti-unti ko na syang naaaninag. Nag-foformed sya ng isang Indigo Bridge. Hindi ko alam kung saan aabot ang Bridge nayan dahil hanggang sa dulo talaga ito ng dagat. Masyadong malayo kaya hindi ko na matanaw pa.

"... Ang purpose ng Walong Gates ay para protection namin laban sa mga... Demons..." Ihinakbang nya ang mga paa nya papunta sa Indigo-Bridge. "... Itinayo ito noon. Kapanahunan ng mga sinaunang Chosen Witch'es Sinners... Naisipan nilang itayo ito laban sa mga nag-iisang kaaway namin... Malalakas ang mga demons. Hindi ligtas ang lugar namin sa kanila kaya gamit ang lakas at kapangyarihan nila, gumawa sila ng Walong Gates na nagrerepresenta sa Mahika na meron sila..." paliwanag nya. "... Ang nakasulat sa Libro. Hindi daw ito Walo..." nakita ko ang pagsunod sa kanya ni Elizabeth Dukess. "... Kundi Pito lang daw..." sumunod din sina Jessel and Ronnie. Nagpahuli naman kami ni Sophia. "... Nakakapagtataka daw kung bakit naging walo gayong pito lang ang mga chosen witch'es sinners noon... Walang nakakaalam... Mali-mali ang nakasukat sa libro." kahit pala sya ay naniniwala na hindi lahat ng nasa libro ay totoo. Tss!

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin