Chapter 116

282 17 0
                                    



















Chapter 116:












•••
•••
















Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming andito. Nananatili lang syang nakatitig sakin. Tahimik din ang buong Infirmary. Wala akong ibang naririnig kundi ang sarili kong buntong-hininga. Punyeta! Gusto nya daw akong maka-usap ng 'Mag-isa' tapos nakatayo lang sya dyan. Alin ang maka-usap dun? Tss! Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ng lalakeng to. Ang hirap nya pading basahin.

Napabuntong-hininga nanaman ako. Bigla nalang kasing may pumasok sa utak ko kung bakit sya andito. Siguro...

"Tungkol ba sa taong nangangalang..." hindi ko pa nababanggit ang kadugtong nun ay sumingkit na ang mga mata nya. "... Hilary?..." sinusubukan nya din akong basahin. Kaso sorry sya, wala syang mababasa sakin. Pinananatili ko ang aking expression sa mukha na walang ka emo-emosyon. "... Kung itatanong mo kung kilala ko ba yan. Sorry. Pero hindi ko talaga yan kilala." titig padin sya sakin.

"Why?" kumunot ang noo ko. Kailangan lang pala na ako ang mag-umpisang magsalita. Tss!

"Anong 'Why'?"

"Why can't you remember her?." natigilan ako. Naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng dibdib ko.

"Wala akong matandaan na may kilala akong ganyan. Fyre." kumunot ang noo nya.

"She's your bestfriend. And you can't remember her?" nakita ko ang nagtatanong nyang mga tingin.

Bakit ganun?

"Wala talaga akong maalala. Hindi ko kilala na may..." napalunok ako. "... Naging B-bestfriend akong nangangalang..." bakit ang hirap banggitin? "... H-hilary."

"Youre not Lying... But..." bakit parang may ideya ako kung ano ang kadugtong nyan?

" 'Hindi ka din sigurado sa mga sagot mo'. Tama ba Fyre?..." nagtatanong na ang mga tingin nya. "... Weird diba?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Napatingin ako sa bintana. Wala akong ibang makita kundi ang kurtinang nililipad ng hangin. Nasisilim ko din ang labas. Umaga pa pala? Siguro naman Oo. Base sa nakita ko din sa suot ni Sophia kanin ay mukhang Class Hour pa ngayon. Tiningnan ko lang saglit yung orasan dito at tingin ulit sa bintana. 1:00pm pa pala... Hindi ko din mapigilang himas-masan ang kaliwang braso ko. Antagal nadin nung nakagawa ako ng kasinungalingan.

Biglang naalala ko yung nangyare dito sa weirdong panaginip ko. 1pm... Eto yung oras kung saan ay pinaliwanag ko kay Diane ang tungkol sa Magic Switching Ability ko. Yung oras din kung saan ay sa gawang Dream ko sya nag training. Dalawang araw kami doon, pero dito sa labas ay dalawang oras lang kami. Sa dalawang oras na iyon ay nagawa nya nang kontrolin ang Magic nya. Marami na syang nagagawa sa Lightning Wind Magic nya. Nalaman nya nadin ang dahilan kung bakit andun kame. Alam nya ang tungkol sa ginagawa namin. Tshaka Ngayon din ang araw kung saan inilihim ko sa mga Royal Bloods ang pagiging Light Magic User ko. Instead ay pinalabas ko na isa akong Lightning Wind User na naging dahilan yun kung bakit nagiging weirdo sa paningin ko lalakeng inakalang kapatid nya ako.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن