Chapter 71

396 30 1
                                    





Chapter 71:






•••
•••




Nanlaki ang mata ko nang biglang bumagsak si Hilary sa sahig. Hindi sya nawalan ng malay. At dahil malapit sya kay Diane, mabuti nalang at nasalo sya.

"Hilary!..." tumakbo palapit samin sina Eiron. "... Hilary!? Okay ka lang?"

"O-oo." lumuhod ako para hawakan ang noo nya. Nagbabakasakali na may lagnat sya pero wala. Anong nangyare sa kanya?

"Masama ba pakiramdam mo Hilary?..." tanong ko. Pero wala akong narinig na sagot sa kanya. Kaya napatingin ako sa mukha nya. Nasa noo nya padin ang kamay ko. Nagtaka ako ng tulala sya sakin. "... Hilary..." napakurap ako. Nagsalubong nadin ang kilay ko. Binasa ko ang expression ng mukha ni Hilary.

Hindi ko alam kung ano. Pero masasabi ko na hindi maganda ang nasa isip ngayon ni Hilary. Para bang may naalala sya na hindi nya maexplain mismo sa sarili nya? Hindi ko alam. Dahil naguguluhan ako sa inaasta nya.

Tulala kasi sya sakin. Nakailang tawag din si Eiron at Diane sa kanya pero hindi ko alam kung anong nangyayare kay Hilary. Ibinaba ko na ang kamay ko na nasa noo nya.

"... Hilary." mahina kong tawag. This time at napakurap sya ng paulit-ulit. Nagtataka.

"You should take her to her room... Your training is done." wika ni Duchess Hina. Kaya mabilis pa sa speed si Eiron na binuhat si Hilary.

Si Hilary naman nagulat. Pero dahil mukhang nasa state of shock pa sya ay hindi na sya umangal. Sumakay sila ng Elevator. Sumunod naman si Diane. Hindi din nagtagal ay umalis na sina Ronnie, Walter and Jessel. Kaya kami nalang Apat pa ang naiwan. Kung isasali si Duchess Hina, Lima na.

Napaisip ako sa inasta kanina ni Hilary. Binanggit lang ni Diane ang tungkol sa pagtawag nya sakin ng 'Ate Aria' dahil daw masyadong mahaba ang Catarina kaya Aria nalang ang itatawag sakin ni Diane at bigla nalang syang natumba sa sahig. Hindi ko alam kung anyare na sa kanya. Pero susubukan kong magtanong mamaya. Kung sakaling okay na sya.

Napaangat ang tingin ko kay Duchess Hina. Hindi talaga familiar ang mukha nya. Pero ang boses nya familiar. At sa weirdong panaginip ko, walang Duchess Hina'ng nag exist dun. Pero tanong ko ngayon, 'Asan na si Duchess Reina? Bakit wala sya ngayon?'

Hindi din naman kame nagtagal Apat dun dahil umalis na kame. Kaya naiwan nalang si Duchess Hina. Nasa iisa kaming Elevator Apat. Ako, si Sophia, Cylex and Fyre. Walang nagsasalita saming Apat kahit ni isa. Kaya tahimik lang ang atmosphere namin. Maliban pala kay Sophia dahil kausap ko sya sa isip ko.

Nakarating na ako sa kwarto ko. Hindi muna ako nagbihis. Bumabagabag padin kasi sakin ngayon ang nangyayare lahat. Marami pa akong hindi naiintindihan sa sitwasyon ko ngayon. Naguguluhan ako sa nangyayare ngayon. Ibang-iba ang eksena sa weirdong panaginip ko sa ngayon. Madaming nagbago.

Lalong-lalo na ang pagkatulala sakin ni Hilary kanina. Hindi ko maintindihan. Oo, madali lang syang mabasa. Pero sa twing iniisip ko ang inaasta nya, mas lalo akong naguguluhan. Ewan. Tss! Hindi ko maintindihan.

"Catarina?..." narinig ko ang boses ni Sophia mula sa labas ng kwarto ko. "... Papasok ako." hindi ko na sya sinagot dahil alam ko naman na papasok na sya.

Kaya nang makapasok na sya ay tumabi kaagad sya sakin sa kama ko. Nakaupo lang ako sa dulo kaya tinabihan nya ako. Hindi ko alam kung bakit sya andito. Wala akong maisip na dahilan kung bakit andito sya. Tss!

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt