Chapter 86

317 24 0
                                    






Chapter 86:


•••
•••



"The Seven Witch's Sinners..." dahil ang Amulet na suot nila ay ibinigay lamang ng isang Witch na nangangalang Danaya.

Pero ang tungkol sa 'Seven Witch's Sinners' nayan. Wala akong alam dyan. Dahil ang tanging alam ko lang ay may mga Witch, at isa na sila sa nakilala ko. Kaya maliban dun, wala na akong alam. Kaya bago sakin ang salita nayan. Tss!

"Pride, Greed, Sloth, Lust, Envy, Wrath and Gluttony..." nagulat ako sa biglaang pagsabat ni Sophia. Teka! Alam nya ang tungkol dyan? Sa pagkakaalam ko, mas mahilig ako magbasa ng libro keysa sa kanya. "... Base in a Magiaconatus Book. They are the Seven Sinners in Witch Realm..." seryoso lang ang mababakas ko sa boses nya. "... And that Amulet. Belongs to them, am i right?" nakatingin na sa kanya si Vincent. Kaya tiningnan na sya ni Sophia ng mata sa mata.

"Yes... Tama ka..." sang-ayon ni Vincent sa kanya. Madami palang alam ang babaeng to. Tss!  "... Bawat Isa sa kanila ay may sariling Amulet. Nanggaling ang Amulet nato sa nag-iisang Ancestor nila. Ipinasa sa kanila bilang pagtuklas na isa silang napili sa humalili sa buong Witch Realm. Nasa kanila ang protection nang lahat. Pinapangalagaan nila ang lahat ng naninirahan dun..." hindi naman pala lahat ng Witch ay masama. "... Malakas ang kapangyarihan ng kwintas nato sa oras na ikaw ang pinili nito. Dahil sa oras na isinuot mo to nang hindi ka dumadaan sa Ritual at hindi ikaw ang pinili..." hinintay ko ang susunod nyang sasabihin. "... Ay hihigipun nito ang buo mong kapangyarihan. Mawawala ang Spell na meron ka. At mapapalitan ito ng kakaibang kapangyarihan..." teka! So hindi talaga Ice ang totoo nyang kapangyarihan? Parte lang pala to sa ibinigay ng Amulet nya? "... At dahil nga nasa akin to. Isinuot ni Nanay. Nasa loob nito ang totoo kong kapangyarihan."

Napatingin ako kay Sophia. Sa expression palang ng mukha nya. Mukhang hindi nya alam ang tungkol sa huling sinabi ni Vincent. Kaya sumailalim sya ngayon sa malalim na pag-iisip.

Nilingon ko ulit si Vincent. "Paano pag nakompleto ang mga Amulets nayan? Paano mapapasakanila ang buong Magic World?" gayong paano gagana kung hindi naman pala sila ang pinili sa kwintas nayan? Hihigupin lang ang Magic na meron sila tapos papalitan lang ng iba? Ganun? Eh paano yan nila makukuha ang buong mundo namin? Tss!

"Pag nasa kamay na nila mismo ang pitong amulets. Mapapasakamay nila ang buong Magic natin. Hihigupin yun lahat ng Magic na meron tayo..." ano daw? Ang gulo lang. Diba pag sinuot mo lang to, ay doon lang hihigupin ang Magic mo? Eh pito lang yun? So paanong lahat talaga kame ay mahihigop ang mga Magic? "... Pero hindi nila yun magagawa hanggat wala ang susi..." akala ko tapos na sya sa kakaexplain. Tss! Hindi pa pala.

"... Ang Seventh Amulet na pag mamay-ari ng The Seven Witch's Sinners ay sa oras na magkasama-sama ang pitong amulet nato ay mas malakas ang kapangyarihan nito. Hindi mo na kailangan pang isuot para lang mahigop ang kapangyarihan na meron ka. Dahil pag pinagsama ang pitong to at pag kasama din ang susi ay tuluyang mag aactivate ang mga Amulets. Hihigupin ng mga yun ang buong Magic na meron tayo..." kailangan ng susi para mag activate ang Seven Amulets nayun? So kung walang susi, mananatiling hindi gagana yun?

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now