Chapter 67

475 30 0
                                    



Chapter 67:






•••
•••





Napamulat ako. Nakatulala lang ako sa kisame. Napatingin muna ako sa orasan. Maaga pa. Kaya may pagkakataon pa akong tumulala. Naisip ko ang nangyare kahapon. Halos si Hilary lang ata ang nagsalita, humihingi sya sa pasensya dahil sa pagiging awkward ng kainan namin. Kaming tatlo ang kausap niya at sya lang ang naglakas loob na kausapin kame. Samantala yung iba ay diretsyo na agad sa mga kwarto nila. Tss!

Sa weirdong panaginip ko, umupo kame ni Hilary sa sofa sa living room at napansin na hindi pa dumadating sina Eiron. Sinabi niya na hinahanap daw nila yung Light Magic User. Pero ang nangyare kagabi, iba. Diretsyo agad pasok sa kwarto nila. Pero... Si Hilary ay sa kwarto ni Diane pumasok. Doon daw sya matutulog, natawa nalang si Eiron dahil nagpaalam pa talaga sya. Ako naman ay palihim na napangiti dun. Kaya sinasabi ko talaga na may nagbago.

Napabangon na ako saka diretsyo na sa Bathroom. Hindi na ako pumunta ng Locker Area para lang kunin ang uniforms ko. May uniform na kasi agad sa closet ko. Naka ponytail ang kulay purple hair ko with Pink Highlights. Napansin ko din na medyo may mga baby hairs ako. Suot ko ang kulay Black-Pink nilang Uniform. May Logo sa bandang dibdib sa Vest. Suot ko din ang Moon Crescent Necklace ko. Hinawakan ko yun. May naalala talaga ako sa Necklace nato.

'Find a girl who's wearing a Moon Crescent Necklace... And you will know the answer...'

Andromeda...

"Catarina?" napatingin agad ako sa pintuan ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni Hilary. Tss! Napangiti nalang ako ng tipid. Kahit pala andun sya kay Diane, ay nasa hobbit niya padin ang kumatok sa pintuan ko.

Kinuha ko nalang yung bag ko saka naglakad ako papunta sa pintuan ko. Nakita ko dun si Hilary na halos wala pading binagbago sa mga ngiti niya. Tss! Ang nakangiting mukha niya ang bumungad sa harapan ko. Totoo ang mga ngiti niya. Pero parang sa likod ng ngiti na yan ay may mas malalim pa na kahulugan. Naalala ko kasi ang sinabi sakin ni Minerva noon.

'The person who's always smiling... Are actually not smiling... Remember that Catarina...' masyadong delikado ang mga ganyan. Nagawa nilang itago ang nararamdaman nila gamit lang ang mga ngiti sa mga labi nila. Tss!

Completo kaming lumabas ng Royal Room. Sa pagsakay namin ng elevator. Ay hiwa-hiwalay kame. Kasama ko sina Sophia, Diane, Hilary at Eiron. Syempre, si Eiron lang yung babae. Tss! Sa kabilang elevator namin ay si Jessel lang yung lalake. Tss! Narating namin ang Classroom Building. So aakyat nanaman kame ng elevator. Nag-uusap sina Diane at Hilary. Sumasabat naman si Eiron. Habang kame naman ni Sophia ay tahimik lang nakasunod sa kanila. Pero kausap ko si Sophia sa isip.

'Anong sunod na mangyayare?' rinig kong tanong niya. Napaisip naman ako.

'Hindi ko alam ang mangyayare dito.' sagot ko. Oo, hindi ko talaga alam. Dahil sa wierdong panaginip ko ay late kaming dalawa ni Hilary at diretsyo kami ng Detention Room na kung saan ay andun si Warden Mae Sales. Tss!

'Akala ko ba nakita mo na to... Bakit parang wala ka atang alam?...' sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ko din alam. Kasi nga late kame ni Hilary. Tss! Basta ang alam ko lang ay hindi ata kami nakapasok sa first class dahil late nga kame. Tss! '... Weird...' yeahh... Weird talaga. Naguguluhan nadin pala ako. '... Ang weird talaga ng panaginip mo.'

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant