Chapter 104

298 28 4
                                    








Chapter 104:

















•••
•••























"WAAAHHHHHHHHHHH!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw nina Hilary and Diane. Natalon din paabante sina Sophia and Jessel. Syempre nagtaka ako sa biglaan nilang pagsigaw.

"MAY MULTO PO!" sigaw ni Diane. Sabay turo sa gilid ko. Nagtataka ko namang nilingon yung itinuro nya.

Napatayo ako sa kama ko dahil sa gulat ng makita ko kung sino yung nasa tabi ko. Hindi ko sya kilala. Punyeta! Ni hindi ko man lang namalayan na napunta sya dyan. Ni hindi ko man lang naramdaman.

"May tumawag ba sakin?" tanong nya. Malungkot yung expression ng mukha nya, pero yung boses nya, ang lamig pakinggan.

"Ellesha..." banggit ni Keith. Teka! Ellesha? "... Walang tumawag sayo..." yung babaeng ginawa ng Book of Gemini?

Tinitigan ko yung babaeng Ellesha daw. Kumunot yung noo ko sa kulay ng buhok nya. Rainbow colored Hair. Punyeta! Ang weird ng kulay nang buhay nya. Tshaka masyado ding mahaba, umabot hanggang paa nya yung haba ng buhok nya. Suot nya ang Maroon Uniform nila.

Nagtaka ako ng dahan-dahang nya akong nilingon. Si Ellesha. Blankong nakatingin sakin. Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa. Paulit-ulit. At hindi ko alam kung anong ginagawa nya. Ang hirap nya din kasing basahin.

"... But since you're here..." dagdag ni Keith. "... May itatanong kami..." hindi ko alam kung narinig nya ba yung sinabi ni Keith o hindi. Dahil nananatiling nasa akin yung tingin nya. Si Ellesha. Ewan, ang weird, may kakaiba sa mga mata nya. Kahit blanko.

"... Ellesha?" tawag ni Keith.

"Nakikinig ako Keith." walang emosyon nyang sagot. Pero nasa akin padin yung tingin.

Huminga ng malalim si Keith. "About Pollux..." dahil sa sinabi nya, napalingon kaagad sa kanya si Ellesha daw. "... Nasan na sya?." nagtaka kami ng bigla nalang sya nawala sa harapan namin. Wala na sya. Bigla syang nawala na parang bula.

"Bakit nawala sya?" tanong ni Sophia.

"Just like before... Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kakambal nya..." sabay tingin sakin. "... I have to go, Cath." paalam nya. Tinanguan ko na lang sya. Kaya nawala na kaagad sya sa paningin namin.

"Woah! Ang ganda ng buhok nya... Rainbow!" boses ni Diane.

Humiga ulit ako sa kama. Sandali lang dahil mag-isang gumalaw yung katawan ko. Nawala kaagad ako dun sa kwarto kaya baka nabahala nayun silang Apat sa biglaan kong pagkawala ng walang paalam sa kanila-maliban kay Sophia. Dahil bago ako nawala, may huling sinabi ako sa kanya.

'May susundan lang ako.' gamit yung Mind Communication ko.

Pinakiramdaman at hinanap ko yung babaeng pinag-usapan lang namin. Nahanap ko naman kaagad sya dahil hindi pa sya nakakalayo. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Alam kong napansin nya na ako dahil huminto sya sa paglalakad, sabay lingon sakin. Tumigil naman ako nung nasa tatlong metro nalang yung pagitan naming dalawa.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now