Chapter 85

315 24 0
                                    














Chapter 85:





•••
•••






Hindi ko alam ilang minuto o oras na ba ang nakalipas. Pareho padin kaming dalawa na andito sa gitna nang ulan, nakahiga padin. Tss! Saka na ako magsasalita pag nagsalita na sya. Gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit hindi man lang sya umalis sa lugar nato para bumalik sa dorm nya.

Hanggang sa nagsalita na sya. Akala ko sasabihin nya na ang gusto kong marinig. Kaso hindi naman pala. Tss!

"Wala ka bang balak umalis?" bastos talaga ang lalakeng to. Ang lamig ng pagkakatanong nya. Tss!

"Ikaw?..." parang naalala ko to kahapon. Tss! "... Wala kadin bang balak umalis?" malamig ko ding sabi. Hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil nilalamig na talaga ako dito. Lintel lang!

"Ako ang unang nagtanong." sinasadya nya ba yan? Eh kahapon ganyan din ang sinabi ko ah. Nabaligtad na nga.

"Edi ikaw ang unang sasagot." deja vu. Tss! Nabaligtad na ngalang ata ngayon. Tss!

"Wala." medyo sabihin nalang natin na nagulat ako sa bilis ng pagsagot nya. Ako kasi kahapon, natagalan. Tss!

Nananatili pading pareho na nasa mga mata ko ang kamay ko. Kaya hindi ko makita kung anong ginagawa nya. Tss! Para kasing ang sarap sa pakiramdam ng pagdampi sa bawat butil ng tubig galing sa kalangitan.

Nararamdaman ko din na unti-unti nang humihina ang ulan. Mabuti na nga yung ganun. Dahil baka pag lumala ang lintek na bagyong to, baka lalala ang kalagayan ni Cylex. Tss!

"Bakit ayaw mong umalis?" tanong ko. Punyeta! Feeling close lang Catarina?

Nagtaka ako nang wala akong narinig na sagot nya. Kaya tinanggal ko na ang pagkakatakip ng kamay ko sa mga mata ko sabay lingon sa kanya.

Kumunot ang noo ko nang magsalubong ang mga mata namin. Andun padin ang kulay Blue-Violet Lenses nya. Teka! Kanina nya pa kaya ako tinitingnan? O bago lang?

"Ikaw..." ang cold padin talaga ng expression nya. Tss! "... Bakit ayaw mo ding umalis?" punyeta naman! Talaga bang nasa ugali nya na, na hindi nya sasagutin ang tanong hanggat hindi muna ikaw ang mauuna? Binabalik nya lang ang tanong na dapat ay para sa kanya. Tss!

Huminga nalang ako ng malalim. Para kasing bumigat ata ang pakiramdam ko. Tshaka maliban din dun, nauubusan na ako ng pasensya sa pag-uugali nya.

"Wala..." sagot na nagpipigil nading sigawan sya. "... Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka din umaalis." totoo naman. Dahil sya naman talaga ang pakay ko dito.

Nag-aalala kasi sina Hilary at Diane sa pagkawala nya. At sa oras na malaman to ng iba, mag-aalala din sila kaya nga hinanap ko sya dito. Dahil yun ang clue na ibinigay ni Sophia. At ngayong nahanap ko na nga, isali mo pang nalaman ko na kagabi pa pala sya andito. Iiwan ko pa ba? Nilalamig na nga ata ang lalakeng to tapos iiwan ko pa? Nagpakabasa ako sa ulan para lang mahanap sya, tapos hindi ko lang itutuloy? Tss!

Syempre, dahil sa sinabi ko. Natigilan sya. Eh? Ano namang katigil-tigilan nya? Titig na titig padin ang mga mata nya sa mga mata ko. Nakita ko ang dahan-dahang pagkawala sa kulay ng lenses nya at kasabay dun ang paghinto ng ulan.

Teka! Sumabay sa pagkawala sa kulay ng Lenses nya ang ulan, kulog at kidlat? Ibigsabihin ba, sya ang may gawa sa lintek na bagyong yun? Bumalik na kasi ang kulay ng mga mata nya. Normal eyes color. Brown.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now