Chapter 69

435 25 2
                                    



Chapter 69:






•••
•••










Bigla akong nagising nang maramdaman ko na parang may presensya. Nananatiling nakapikit ang dalawang mata ko. Kunwari tulog. Tss! Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi ko imumulat ang mga mata ko hanggang hindi ko nararamdaman na umalis ang resensya. Nakarinig ako ng pagbukas ng Sliding Door. Alam ko na ang Sliding Double Door yun sa terrace. Pinakiramdaman ko ang pumasok.

Rinig na rinig ko ang tunog ng suot niyang sandal. Teka! Babae? Kasi sa tunog palang ng paanan niya ay alam kong may suot syang Heels. Its either baka Boots. Nakapikit padin ako. Pero alerto ang senses ko at pinakiramdaman ko kung may gagawin ba sya sakin o wala.

Naramdaman ko na parang nakatayo na sya sa paanan ko. Nakatagilid ako habang nakapikit. Pinanatili ko ang sarili ko na kunwari tulog. Tss!

"The Chosen One has Awaken her true Power..." isang mala anghel na boses ang narinig kong nagsalita. Teka! Hindi familiar sakin ang boses niya. "... From Dream to Reality..." dahil gusto kong makita kung sino ang nagmamay-ari sa hindi familiar na boses ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na buksan ang mga mata ko.

Napaupo ako sa kama ko saka tiningnan ko ang bandang paanan ko. Kumunot ang noo ko nang wala man lang akong nakitang kahit ano! Maliban sa single sofa na sa tabi nun ay ang pintuan. Teka! Panaginip lang din ba yun? Impossible! Dahil rinig na rinig ko mismo at ramdam na ramdam ko ang presensya ng kung sino man yun. Pero kung hindi nga panaginip yun, asan na sya? Bakit biglang nawala? Eh wala nga akong naramdaman na ginamit niya ang kung anong Magic o Abilities ang meron sya.

Punyeta! Nanaman! Ayan nanaman ang weirdong panaginip nayun! Tss! Napatingin ako sa Terrace at bukas nga yun. Kaya mukang may pumasok nga talaga dito sa kwarto ko. Napapikit ako sabay buntong-hininga. Umalis ako sa kama at naglakad ako papuntang Sliding Door sa Terrace. Mahangin kaya lumilipad ang kurtina. Sinara ko lang yun at bumalik ulit ako sa kama.

5pm na yung tiningnan ko ang oras. Pinilit kong matulog ulit kaso sa twing ipipikit ko ang mga mata ko ang boses na mala anghel ng babaeng yun ang naririnig ko. At ang sinabi niya.

'The Chosen One has Awaken her true power... From Dream to Reality...' Ano daw?

The Chosen One has Awaken her true power?

From Dream to Reality?

Bakit sakin niya sinabi yan? Tss! Hindi na ako makatulog kaya tumayo nalang at pumasok sa bathroom. Nilubog ko ang sarili ko sa Bathtub. Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa Bathtub kaya naisipan ko nalang na tumayo na. Nagbihis nadin ako at kahit basa pa yung buhok ko. Pinonytail ko. Hindi ako mahilig pag nakalugay. Nang maayos na ako ay isinukbit ko na ang Shoulder Bag sa balikat ko.

Pangatlong araw ko na dito sa Lustrous Academy. Pero WALA pading Amulet. Tss! 6pm na nung naisipan ko na lumabas. Wala kasing kumatok kaya nagtaka na ako. Pagkabukas ko palang sa pinto ay kumunot ang noo ko nang nasa ere ang kaliwang kamay ni Hilary. Kung titingnan, kakatok sana sya kaso bigla kong binuksan ang pinto kaya napatigil sya. Tss!

"Ayttt! Hehehehe..." nahihiya niyang ibinaba ang kamay niya. Gusto kong matawa sa reaction niya. "... Aga Catarina ah." tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Kumunot yung noo ko. Teka! Mukang familiar to sa weirdong panaginip ko.

"Nagpaganda ka ba Catarina?" rinig ko ang tanong ni Eiron. Kaya napatingin ako kung saan niya. Gusto kong gamitin na ang teleportation ko nang halos nasa akin ang mga tingin nila. Pero pinanatili ko nalang na salubong ang kilay ko.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now