Chapter 96

324 23 0
                                    










Chapter 96:



•••
•••





"A-ahm... S-sino k-ka?..." natigilan ako sa boses nayun. So Rhea. Teka! Sinong kausap nya?

Nasa likuran ko pa kasi sya kaya hindi ko makita kung may kausap ba sya o wala. Pero bakit parang may kutom ako na ako ang kinakausap nya?

"... A-ah... S-sorry..." bakit sya nag sosorry? Luhhh! Sino ba talagang kausap nya? "... M-maraming salamat pala. Miss..." napakurap ako ng tatlong beses. At dahan-dahan kong iginalaw ang ulo ko para humarap sa kanya.

Ako ang kinakausap nya! Punyeta! Malamang! Sino pa bang pagsasabihan nya ng 'Salamat'? Gayong ako lang naman ang andidito sa harapan nya. Dahil halos yung mga taong andidito nawala na sa kakatakbo. Tss!

Malapit na akong mapaharap sa kanya. Nagtataka nadin ako kung bakit nakikita nya ako. At Konti nalang talaga at makikita ko na sya. Kaso andun na sana ako malapit nang makaharap sya nang parang may humila sa akin paatras. Unti-unti akong lumalayo sa lugar. Parang hinihigop na ako pabalik.


"Catarina!"

"Ate Aria..."

"Catarina!"

Napamulat ang dalawang mata ko. Naabutan ko ang sarili ko na nakahiga sa lupa. Alam ko, dahil ramdam na ramdam ko ang bermuda grass. Tss! Natulala ata ako sa kalangitan na walang liwanag. Madilim padin kaya malamang gabi na.

Tulala lang ako sa kalangitan. Nagtataka kasi talaga ako kung panaginip lang ba talaga yun. Alam ko din na andito lang sa tabi ko sina Sophia. Rinig na rinig ko kasi ang paulit-ulit nilang pagbanggit sa pangalan ko. Kitang-kita ko din silang tatlo sa pheriperal vision ko na nakangiti pero may ilang basa akong nakikita. Tss!

Kaya nilingon ko na sila. Alam kong umiyak sila. Lalong-lalo na ang nasa kaliwa ko. Nasa kanan ko si Sophia at Hilary. Pareho silang nakangiti. Tahimik man sila pero kitang-kita ko naman sa mga mata at ngiti nila na nakahinga sila ng maluwag at nakaramdam sila ng saya nang makitang okay na ako.

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Where stories live. Discover now