Chapter 123

311 18 2
                                    





















Chapter 123:












•••
•••



























Napasigaw ako sa sakit sabay dilat ko sa mga mata ko. Habol-habol ko ang aking hininga. Hinawakan ko ang aking dibdib. Malakas ang kabog nito. Kinakapa-kapa ko din ang sarili ko. Tshaka ang Inuupuan ko kung mararamdaman ko ba. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mahawakan ko ito.

"Fyre!"

Mabilis akong napalingon sa gawing yun. Gumagalaw din ang sinasakyan namin. Punyeta! Nasa lumilipad na sasakyan pa pala ako! At ano nang nangyayare matapos akong nawalan ng malay? Lintek talagang Andradang yun! Ano kayang ginawa sakin ng Kidlat nayun?!

"Catarina..." nawala ang tingin ko sa harapan dahil nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko.

"Sophia..." napangiti nalang ako nang makita ko syang gising na. "... Gising ka na." mabilis ko syang niyakap. Niyakap din naman nya ako pabalik.

Pansin ko din na namumutla sya.

"H-help them..." bakit nahihirapan syang magsalita? "... G-go and... Help t-them... Specially Him... C-catarina." habol-habol nya din ang kanyang hininga.

"Help them? Him? Sino Sophia?." hinawakan ko ang noo nya. Mainit ito. Hindi naman sya namumula, namumutla lang kaya paanong mainit ang noo nya?

"F-fyre..." Ipinikit nya ang mga mata nya.

"S-sophia?"

"Im fine. Magpapahinga lang ako. Gawin mo na ang sinabi ko.  Help them. Bago pa mahuli ang lahat..." nagugulahan man ako sa inaasta nya ay tumango ako. "... Specially Him. Fyre. That Lightning User Andrada. Help him Catarina."

"Sige." bago ko sya tuluyang iwan ay ginamit ko muna panandalian sa kanya yung Healing Magic ko.

Hinanap ko sila. Pumunta pa ako sa dulo ng sasakyan. At nakita ko sila sa Ibaba. Naglalaban-laban. Si Dreymitri Orion at Medea lang ang nakita ko doon. Kasama nila si Ronnie and Eiron. Si Nicole naman ang nasa ere. Kasama si Walter, pero may inaapakan syang bato. Hindi naman kasi sya kagaya ni Nicole na nakakalipad sa ere. Tss!

Nagulat pa ako ng makita ko ang mga kasamahan nila pagkalingon ko sa gilid ko. Nakahandusay sa wooden floor na parang walang buhay na. Isang lalake na nakasuot na Red cape at Isang babaeng naka suot ng Orange Cape. Wala silang malay. At hindi ko din nararamdaman ang sarili nilang hininga. Punyeta!

Huwag nilang sabihin—

"C-catarina..." nilingon ko ang tumawag sakin. Nagulat pa ako ng lumuhod sya sa harapan ko. "... T-tulungan mo sila..." sya yung lalakeng may suot na Blue Cape. "... P-please..." nagulat ako syempre dahil umiiyak sya. "... Nabanggit samin ni Medea ang tungkol sa ability mo. Condition x Condition. Para sa kapakanan ni Medea. Dahil sa takot na baka mawala sya ay ginamit nila ng kanilang kapangyarihan para sa kaligtasan nya..." mahaba nyang paliwanag. "... So please... Help my friend. Tanggalin mo ang kung ano mang spell ang Inilagay mo sa katawan namin. Lalong-lalo na sa kanila..." ang pangit sa paningin kapag Iniyakan ka ng lalaki— "... Please..." —na may kasamang luhod. Tss! "... Catarina..." humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. "... Senpai."

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now