Chapter 81

330 26 0
                                    




Chapter 81:






•••
•••



Katahimikan naman ang namayani sa buong paligid. Hindi ko alam, pero mararamdaman kong may kakaiba sa katahimikang namayani. Nasa lugar padin kung saan pumasok ang dalawang nilalang nayun sa Black Portal ang paningin.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Para bang gusto ko ulit sila makita at itanong ang ibigsabihin ng lahat ng sinabi nila.

'The First Born Descendant... Who controled the most powerful Magic... The Chosen.' medyo naiintindihan ko unti. Pero gusto kong alamin ang mas malalim pa na kahulugan ng mga salitang yan.

"Catarina..." narinig ko ang pagtawag ni Sophia. Kaya napalingon ako sa kanya. Hindi lang sya ang nakatingin sakin dahil pati sina Hilary, Eiron, Walter, Ronnie, na bitbit si Jessel. Cylex and Fyre ay nasa akin na ang tingin. "... Kailangan na nating bumalik." nilingon niya si Jessel na wala ng malay.

Alam kong may sasabihin sya o itanong. Pero ipinagpaliban nya nalang muna dahil kitang-kita ko na nag-aalala din sya sa kalagayan ni Jessel.

Tumango nalang ako saka sumunod sa kanilang naglakad pabalik sa Magic Gate. Pero agad din naman akong napahinto. Nasira ang Magic Stone Barrier. Wala ng nagproprotekta sa labas ng Academy nato. Maraming masisira dito. Makakalabas pasok na ang mga Grim Reapers. Kaya may naisip akong paraan.

Humarap ulit ako sa likuran ko. Huminga ako ng malalim. Kagaya ng ginawa ko sa weirdong panaginip ko. Gumawa ako ng Light Barrier. Hangang sa dulo ng daan nato. I mean hanggang doon lang sa lugar kung saan hanggang kaya ng Barrier na gawa ko. Tss!

Nang matapos na ay pinagpatuloy ko na ulit ang paglalakad. Mukhang hindi ata nila napansin ang ginawa ko. Dahil wala man lang sa kanilang lumingon para tingnan ako. Ay ewan, siguro meron. Pero hindi ko lang nakita? Siguro. Tss!

Na kay Fyre ang susi ng Gate kaya sya ang nagbukas nito. Unti-unti may namumuong Portal sa harapan namin kaya pinasok na namin yun. Alam ko na kasabay ng pagpasok namin, magsasara ang Crytal Blue Magic Gate sa labas.

Diretsya kaagad kame sa Infirmary Room namin. Si Nurse Freya na ang bahala kay Jessel. Andun kaming lahat, maliban kina Fyre at Cylex. Dahil pumunta silang Head Office para ireport ang kaganapan sa labas kanina. Hindi padin nawawala sa isip ko ang lahat ng sinabi ng taga Middle na Grin Reaper. Ang dalawang nilalang na nakaitim nayun.

Tiningnan ko si Sophia na malapit sa tabi ko. Dahil sa sinabi nya kanina, mukhang masasabi kong may alam nga sya tungkol sa dalawang nilalang nayun. Pero mamaya ko na lang muna sya tatanungin.

Makalipas ang isang oras ay nagising na nga si Jessel. Pa isa-isa naman silang bumalik sa mga sari-sarili nilang mga kwarto. Syempre, kasama si Jessel. Tss! Pagkagising nya kasi ay umandar nanaman ang pagiging mataray nya. Mura sya ng mura sa nakalaban nya kanina. Hindi sya nakakaget-over sa away nila kanina. Tss!

Bumalik sila sa Royal Room namin. Habang ako ay umiba ng daan. Nagpaalam ako sa kanila na may pupuntahan ako.

"Sasama ako—" pinigilan ko si Sophia.

"Wag na..." sabay ngiti ko sa kanya ng tipid. '... May gusto lang akong alamin kay Vincent.' sinabi ko yan gamit lang ang isip. Mind Communication.

Gumamit na kaagad ako ng Teleportation kaya namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa loob na ng Infirmary Room ni Vincent. Syempre, nagulat sya ng makita ako.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now