Chapter 118

346 22 4
                                    













Chapter 118:













•••
•••
































Nilingon ko ang pwesto nina Jessel. Mabuti nalang at inaasahan din yun ni Fyre kaya bago pa yun sasabog sa kinaroroonan namin ay gumawa na sya ng Lightning Barrier. Hindi lang para sa sarili nya sya gumawa, dahil pati sina Jessel, Walter, Ronnie at Eiron ay ginawan nya din. Mukhang walang kaalam-alam ang Apat na may mga kasama sya. O baka naman nakalimutan lang nila. Tss!

Pagkawala ng usok ay hindi na ako nagulat na nakawala ang babaeng Immortal Hunter daw. Hindi lang pala sina Jessel, Ronnie, Walter at Eiron ang ginawan nya ng kanyang Lightning Barrier dahil pati pala si Nicole kaya ito tuluyang sumabog ang katawan.

Hinanap ng mga mata ko ang babae. Nahuli ko sya na paika-ikang naglakad papunta sa kinaroroonan ng naka Golden-Armour. Nahawi naman ang mga Kawal. Dahil kung kanina ay sobrang dami nila, ngayon ay hindi na masyado. Ilan sa kanila ay natamaan nung unang pagsabog. Ang iba naman ay sa pangalawa, ngayon. Kaya walang buhay ng nakahandusay ang mga katawan nila sa lupa.

Nagkatinginan kame ni Sophia. Napangisi sya sabay tango namin. Nakita ko sa pheriperal vision ko ang biglaang pagkawala ni Fyre sa pwesto nya ay nandun na kaagad sya sa harapan ng babaeng Hunters na natigil sa pag-ika-ikaw. Kasabay din nun ay nawala na din si Sophia sa harapan ko. Kaya mabilis kong nilapitan si Nicole na nakahiga sa lupa. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang dugo sa mukha at ilang parte ng katawan nya. Tss! Mabilis kasi talaga ang pagyayare eh.

Lumuhod ako para mahawakan ko sya. Nagtaka ako nang pagkahawak ko palang sa bandang tiyan nya ay bigla nalang syang napasigaw. Sabay palo-palo sa kamay ko.

"Damn! Damn! Damn! Catarina-Senpai! Yung kamay mo! Aurghh! Ang sakit!..." mabilis ko namang inalis ang kamay ko doon. Bumaba ang tingin ko doon. At nanlaki ang mga mata ko nang may sugat dun. At doon din nanggaling ang mga dugo. Pulang-pula na ang suot nyang uniform. Kaya ba nabahiran sya ng dugo dahil dito? Sino namang may gawa nito? "... That Immortal Hunter. She did this. You didn't notice it because she has the ability to make herself turned Invisible." tumatango-tango naman ako. Invisible? Ability nya? Ang ganda naman. Tss!

Ipinuwesto ang kamay ko sa sugat na iyon. Pumikit ako. Naramdaman ko nanaman ang enerhiyang dumaloy sa buong katawan ko. Nagtipon-tipon ito sa mga kamay ko.

Healing Magic...

Naramdaman ko na ang pag-ilaw ng palad ko. Kaya mabilis ko na syang nalinis. Nawala na ang sugat nya, pati ang mga dugong namamantsya sa kanya ay wala na din. Tumayo na ako. Gulat na gulat naman ang makikita ko sa expression nya. Mula sa gulat ay napalitan na ito ng isang ngiti. Nginitian nya ako. Na hindi padin ako sanay.

"Youre ability is awesome..." dahan-dahan nadin syang tumayo. "... By the way..." sabay harap nya sakin. "... Thank you again Catarina-Senpai." Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya.

Nakaramdam kaagad ako ng isang presensya...

"Ate Aria!" pagkalingon ko palang ay nakita ko na si Diane na gumawa ng Lightning Barrier. Ginawa nya itong pangharang para pigilan ang tatama sakin na espada.

Tiningnan ko ang taong yun. Isa sya sa mga nakita kong kasama ng naka Golden-Armour. Naka suot na itim na mask. Isa din ata sya sa mga Immortal Hunter. Sa itshura ng katawan nya. Masasabi kong lalake sya.

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Where stories live. Discover now