Chapter 108

323 21 1
                                    

Merii Kurisumasu mi na



Chapter 108:

•••
•••

'The 12 Powerful Olympia Cards...'

Natigilan ako. Ang huling nakasulat sa bandang huli, ay ang tungkol sa mga Witch'es Sinners. At ngayon, may bago nanamang nakasulat kasunod nun. Weird! Sa twing may bago akong nakikita o nalalaman na mga bagay na hindi familiar sakin, at pag bubuksan ko ang makapal na libro nato. Bigla nalang sya magkaroon ng sulat. Na tandang-tanda ko talaga nung huli ko tong binasa ay empty pages na talaga.

Maraming mga Empty Pages... At mukhang habang may mga hindi familiar na bagay ako nalalaman, maisusulat kaagad dito. Tss! Ang gulo lang pag ipaliwanag ko pa ng mahaba. Naguguluhan din ako sa nakikita ko. Nalalaman ko.

'12 Olympia Cards is the only Secret Technique of the Wizardry. They named it when the First 12 Powerful Wizardry was born. They are the first one who uses this 12 Cards...' narinig ko na ata to kay Etherious Lexer?

Sa pagkakaalala ko, ang sabi nya, ay simula nung maipanganak yung 12 Wizardry, 6 Girls and 6 Boys, Magkapatid at Magpinsan ang iba sa kanila. Sila daw ang unang nag-mamay-ari nito. Masyadong malakas ang Olympia Cards kaya tinawag sila na 'The 12 Powerful Wizardry'. Para daw silang mga Gods ans Goddessess sa Smaragd City. Sa mundo ng mga wizardry. Pero syempre, iisa parin naman daw ang TOTOONG GODDESSESS.

Ang tanong ko lang... Paano nila nagawa yang Olympia Cards nayan? Ang sabi, sila ang kauna-unahang nag mamay-ari nito? Kaya paano nila yan nagawa? Paano nila yan nabuo?

Pinag-patuloy ko nalang ang pagbabasa ko. 'The Cards was created before the Goddess Dawn...' napakurap ako ng tatlong beses. '... Salacia... The Goddess of Water... Create a place only where her peoples can live... Who respected and honored her... As their only Goddess of Water...' wala akong naiintindihan. Tss! '... She's the one who created the 12 Magic Cards...'

Salacia... Sya ang bumuo ng 12 Magic Cards? At sya din ba yung Goddess na bumaba galing Heaven Realm? Para pigilan ang namamagitang away ng Enchanters at Wizardry?

'When The Fourth New Moon appeared... The 12 Powerful Wizardry will Exist... After 10 decades... The New era will borned. Another wizardry will hold the cards. But only one is the original...'

Bigla nalang tumibok ng malakas yung dibdib ko nang mabasa ko ang kadugtong ng nakasulat...

'... The Chosen.'

May Calligraphy writing ang nakasulat sa ibaba nun...

'Salacia...'

Sya ang nagsabi nyan? 'When the The Fourth New Moon appeared... The 12 Powerful Wizardry will Exist... After 10 decades... The New era will borned. Another wizardry will hold the cards. But only one is the original... The Chosen.' narinig ko ang salitang 'Chosen'. Kanino nga ulit yun? Kanino ko yan narinig? Tss! Ayan nanaman ang amnesia nayan.

Huminga nalang ako ng malalim saka pinagpatuloy ko na ang pagbabasa. '... OLYMPIA means a Powerful Wizards. CARD's for the Symbols. And the '12' stands for the Planets... Each Cards has their own Planets and Symbols...' basa ko doon.

Pumunta na ako sa next page. At bumungad kaagad sakin ang mga larawan na alam ko na kung ano yun. Isali mo pa na may nakasulat talaga sa bandang itaas nayun kaya alam na alam ko talaga. At kahit hindi ko basahin ang nakasulat, larawan palang, alam ko na.

Ang 12 Olympia Cards... Nahahati sila sa Tatlong Groupo. Katabi ng APOLLO, ang ARTEMIS at HERMES. Sa sumunod na groupo, APHRODITE, ATHENA and DEMETER. Then sa sunod, HESTIA, ARES and POSEIDON. Nag-iisa sa sunod nila ang HADES. Habang ang kasunod ng hades, parehong magkatabi ang ZEUS at HERA. Nakasulat sa ibaba nila ang kanilang mga CARDs Symbols. Nandun padin ang kakaibang Latin Letter na nakasulat sa Front ng Magic Cards. Nasa Background yung mga PLANETs.

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now